akala ko maayos matatapos ang taon na ito... ang school year. masaya... pero hindi pala. maling mali ang akala ko. sobrang mali. umuwi ako mula sa school, kalmado...walang pakialam sa mangyayari sa bahay. ngayon, naghahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko. tuwa, tapos na mga paghihirap sa school. at lungkot...wala na. hindi ko na siya makikita...mayayakap.. hindi ko na siya... hindi ko na siya uli... hindi ko man lang siya nabigyan ng importansya.. masyado ko siyang pinagbalewala.. akala ko... akala ko... matagal pa bago siya mawawala...matibay siya. pero hindi. wala na siya. hindi ko na makikita ang maamo niyang mukha... hindi ko na makakamot ang tenga niya... hindi ko na siya mapapakain... wala na akong pagbibigyan ng tinapay na nauuwi ko mula sa school... wala na akong mapapaliguan na sobrang likot. wala na. hindi ko na makikita ang pagiging makulit niya. hindi ko na makikita ang nagpapacute nyang mukha. akala ko magkakaroon pa ako ng panahon para makasama siya...ngayong summer.. pero hindi. hindi ko inaasahan ang tawag na yon. akala ko... pero...wala na akong magagawa... tapos na... pero ang hirap pa ring mapaniwalaan... patay na siya... patay na... mamimiss ko siya. kahit na hindi ko siya favorite… kahit na ilang beses ko siyang napagalitan…napalo… wala na akong maririnig na alulong ng aso pagsapit ng hating gabi… wala na akong maririnig na sobrang tinis na tahol niya… wala na… mamimiss ko siya. ang kulit niya. ang malaway niyang mga palarong kagat…
Jumbo, mamimiss kita.
Jumbo, mamimiss kita.
citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home