citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Friday, July 22, 2005

kung ayaw nyong magbasa ng mga frustrations ko...huwag nyo tong basahin
***

To describe this week in one word...it was hell. Impyernong mainit... Masisisi nyo ba ako? 3 tests was piled up on us last thursday. We had one a while ago. And being a "varsity" member and being a class officer really do have their downsides. And this afternoon was...so frustrating on my part.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw kong ipamukha na inaabuso ko ang pagiging officer... hindi naman eh. Ayaw ko ring ipamukha na wala akong ginagawa bilang isang officer...Ayoko na isipin ng tao na wala akong ginawang effort sa tungkulin ko…Hindi ko tuloy alam kung kanino ako maiinis... sa sarili ko ba o sa kanilang lahat. Alam kong alam nila kung ano ang dapat nilang gawin.. pero hindi nila sinusunod. Wala silang pakialam. Nakanino ba talaga ang problema? Kanina ko pa nga ito tinatanong sa sarili ko… nasa akin ba? O sa kanila?

Ang hirap tuloy para sa akin...hindi lang sa akin... at sa iba pang masweswerteng tao. Ang sakit ng pakiramdam na tititigan ka lang nila pagkatapos mo silang 'sigawan' at pagsabihan tapos babalik uli sila sa mga ginagawa nila. Wala man lang silang mga reaksyon! Hindi nila ako sineseryoso. Sa totoo lang, ayaw kong magalit. Ayaw kong sumigaw sa harap nila. Kasi alam kong in a way hindi tama yun. Kahit si MsG hindi nirerekomenda ang pagsigaw…pero doon lang kasi sila nagrerespond. Matatamaan lang sila pag may nagalit o may umiyak. And God… ang sarap mag resign at ibigay na lang sa ibang tao ang pwesto ko. Hindi ko tuloy alam kung nagagampanan ko ba ang mga tungkulin ko. At kanina ko lang talaga naramdaman ang tunay na bigat ng krus na binibitbit ko.

Sa totoo lang… hindi ko talagang ginusto ang maging isang officer. Wala talaga akong balak…At isang dahilan kung bakit ayaw ko ay nangyari lang kanina. Kung saan hindi ko na talagang napigilan ang pagtulo ng luha… Sa totoo lang, tuloy tuloy lang ang agos ng luha ko pag hindi ko siya pinigilan. At buti na lang talaga napigilan ko siyang tumulo. Hindi na kasi kailangan ng dahilan para sa mga ganito eh… tumutulo lang siya pag hindi ko na kaya. parang tuloy nawalan na ako ng pag asa…pag asa para sa sarili ko at para sa mga kaklase ko. Nawalan na ako ng gana na gawin ang tungkulin ko. Napaisip nga ako eh… binoto boto pa nila ako bilang officer, hindi rin pala sila susunod… hindi rin pala sila makikipag cooperate. Eh sana pala binoto na lang nila ang kaya nilang sundin! Sana namili sila ng tao na capable na i-handle ang isang klase! Nagmumukha tuloy na hindi ako karapat-dapat na maging isang officer… wala akong sense of authority. Wala akong capabilities na maging isang pinuno… nakaka depress talaga.

Ang sarap umiyak…ang sarap ibuhos ang lahat ng nararamdaman mo... ang sarap ng pakiramdam na alam mo na hindi ka nag iisa sa mundo… ang sarap ng pakiramdam na may ibang tao na naiintindihan ang mga pinagdadaanan mo… Salamat cubby…

1 Comments:

Blogger miharu said...

Hindi sila nakikinig dahil mga pasaway sila. Wala sa iyo ang problema. Pero ang napansin ko lang tuwing "sinisigawan" mo kami hindi ka nakatingin sa amin...half hearted shout ba iyon? pero obserbasyon ko lang naman iyon, I wouldn't know if that would count as relevant kung bakit pasaway talga ang section natin.

8:58 AM  

Post a Comment

<< Home