[081305:9.05pm]
Wala na talaga akong pag asa sa pagsusulat sa Ingles. Kanina may nilalagay na ako dito ngunit ayaw talagang lumabas ang aking…ehem…lam nyo na. Kaya ayun! Napilitan akong mag backspace hanggang blanko uli tong screen.
Kagabi, nasapian ata ako upang gumuhit nga mga rosas sa pamamagitan ng Adobe Photoshop. Balak ko ‘tong gawin background sa aking blog kung…magkaroon ako ng oras at ng mabilis na internet koneksyon sapagkat bumabalik siya sa 4.8 na naman. Mukha naman siyang maganda…at sa aking pananaw lamang iyon. Aywan ko lang sa inyo…kung makakabit ko man siya dito.
Nagiging madalas na ang aking pagsumpa sa hindi nawawalang ulan. Kahit na alam kong walang magagawa ang aking pagsusumpa eh…kailangan ko lang talaga ilabas ang sama ng loob ko. Bakit kasi ngayon ka pa umulan! Bakit kasi hindi na lang El Nino ang panahon ngayon! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa init kesa naman nakatunganga lang ako dahil sa ulan. Kahit na ba gusto ko ang pakiramdam tuwing umuulan…Kahit na gusto ko ang amoy tuwing bumabagsak sa lupa ang tubig ulan…eh malaking pasakit talaga ito sa buhay ko. Kung pwede lang talagang i-erase-erase ang mga nagdidilimang ulap sa kalangitan…saya ko siguro pag ganun.
*****
Naniniwala ako na lahat ng bagay tungkol sa buhay mo ay hindi kailangang ibunyag sa mga tao…kahit na sa mga kaibigan mong matalik…kahit na sa mga taong alam mo na mapagkakatiwalaan naman. May karapatan ang bawat isa sa atin na magkaroon ng mga lihim kahit na ba’y sabi nila na lahat naman ng lihim ay mabubunyag din naman sa hinaharap. At wala silang karapatan na maghusga ng mga taong ayaw ibunyag ang mga lihim…pwera naman kung sobrang lala ng sitwasyon…Pero hindi naman ito tungkol sa tiwala sa isang tao…tungkol ito sa tao mismong may lihim. Lagi nila ibinabato ang tungkol sa pagtitiwala ng isang tao. Hindi ba nila naiintindihan na iba iba naman ang mga tao sa mundo ngayon. Iba iba ang tingin nila sa mga bagay bagay. Iba iba ang kanilang opinyon at reaksyon sa mga sitwasyon sa buhay nila.
Habang tumatagal ang panahon laging nagbabago ang isang tao. Walang tao sa mundo ang hindi nagbabago. Tulad ng sabi ng isang kasabihan: ang permanente lang naman sa mundo ay ang pagbabago. Kahit na hindi nila aminin ito…halata naman na tayo ay laging nagbabago. Maaaring ito’y nakakabuti…at maaaring nakakasama naman ito. Kaya wala silang karapatan na magtanong kung bakit nagbabago ang isang tao. Kasi kahit sila mismo ay nagbabago rin. At wala silang karapatan na baguhin ang isang tao para sa kanilang pansariling pakinabang. Hindi tayo tulad ng isang telebisyon na pwedeng palitan lang ng channel pag ayaw natin ang palabas.
Maraming tao ang nagsasabi na ang mga ginagawa naman nila ay makakabuti sa isang tao. Sabi nila na maganda naman ang kanilang intensyon sa pag gawa nun. Hindi ba nila na isip na hindi lahat ng kanilang “magandang gingawa” ay magiging pareho ang kinalabasan sa bawat tao? Hindi ba nila naisip man lang na hindi lahat ng tao ay gustong pinapakailaman? Maraming tao ngayon ay mas pinipiling manahimik lang sa isang tabi. At hindi ba nila naisip na sa pag gawa nila ng desisyon na iyon ay maaaring lumala pa ang sitwasyon? Lagi ba nila iniisip na sila lagi ang tama? Lagi ba nila iniisip na hawak nila ang mga solusyon sa bawat suliranin ng mga tao?
Bakit ba andaming tao ngayon na laging iniisip na sila lang ang nasasaktan? Lagi nilang naiisip na sila ang nasa ‘receiving end’ ng mga masasamang bagay. Hindi ba nila alam na hindi lang naman sila ang nasasaktan. Hindi ba nila naisip na maraming tao din ang nagdurusa? Akala nila na sila na ang may pinakamalalang buhay sa mundo…Pero hindi nila alam na mas marami ang mas malala ang sitwasyon sa buhay. Iba lang talaga ang pagtungo ng ilang tao sa mga problema nila sa buhay…mas matino ang pagtanggap nila.
Maraming tao rin sa kasalukuyan ang hindi matanggap ang mga suliranin at masasamang bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Madami ang umaasa pa rin sa pag angat nila. Kahit na nakakabuti naman ang may magandang pagtingin sa mga bagay bagay…may mga oras lang talaga na hindi maiiwasan ang pagtanggap na lang sa mga ito. May mga oras lang kasi na hindi mo na ito mababago kahit ano pa ang gawin mo. May mga sitwasyon lang talaga sa buhay ng isang tao na mananatili na lang na ganoon. Nasa iyo naman iyon eh. Kung paano mo siya tatanggapin at ang magiging reaksyon mo dito ang talagang magiging daan para ikaw ay umangat man lang sa mga problem
*****
Pasensyahan niyo na ako sa aking isinulat sa taas. Blog ko ito…at ilalagay ko dito ang mga gusto kong ilagay. Pero siyempre hindi lahat ng gusto ko ay pwedeng ilagay dito. Kahit na alam kong malaya tayong gawin ang gusto natin…may limitasyon pa rin ito. Hindi dapat nilalagay dito ang maseselang bagay na maaaring makasakit sa ibang tao. Pero tulad nga ng sinabi ko sa itaas…nakasalalay naman sa isang tao kung paano niya ito rereaksyonan. Labo…may salita ba na rereaksyonan? Weh. Pauso…
Nakakaasar na talaga. Tagal ko na ring nagsusulat dito at hindi pa rin ako nakakakuha ng matinong internet koneksyon. Bakit naman kasi ang bagal. Dati ang sobrang bilis ang pagkokonek namin dito…parang kasing bilis ng mga lintik…kidlat yan. Ayaw nyong maniwala? Nasa Noli yan…ehehe…totoo yan noh.
Kung ano ano na ang mga pinagsusulat ko dito…Hay. Ang nagagawa talaga ng…kung ano man ang filipino ng boredom. Ay! Ngayon ko lang naalala…Linggo ng Wika pala ngayong linggo. Ehehe…hindi ko man lang naalala…pero ang galing ko rin tumiming ano? Kung kelan ako nawawalan ng ganang mag ingles doon naman tumapat ang buwan ng wika. Labo. May buwan ng wika ba? Isa na namang pauso ni corbin. *ngiti*
…Hindi ko alam kung bakit corbin ang napili ko. Para bang alias…pero parang wala ring kwenta eh. Kasi naman…pangalan ko pa rin ang nakasulat sa tag board. Pero…bahala na. Kahit na may pagka-weirdo ang ispelling ng aking pangalan…marami pa ring tao ang kapangalan ko. Pwede ba…nakita ko nga sa friendster na may 2 akong kapangalan eh …pati apelyido. O diba? Pero pwede rin silang nangongopya lang sa akin…haha! Baka feel nila ang pangalan ko…Weh. Ang kapal talaga…
Hay naku. Aabutin ako ng maraming pahina sa word kung hindi pa magtatagumpay ang aking pagkokonek sa internet. Maliit na nga ang font na gamit ko eh…

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home