Hay. Tapos na ang isang araw...at mamaya tapos na naman ang isang linggo. Bilis lang talaga ng panahon. Naaalala ko pa nga ang sabi ng busmate ko eh..."Grabe isang araw na lang friday na..." Mga ilang beses din niya yun inulit...Mga isang buwan na't kalahati na ang nakaraan.
Nakakalungkot isipin na ang bilis talaga dumaan ang panahon. Ang sarap nga gawing telebisyon ang buhay pa minsan...pindutin mo lang ang pause...okay na. Kanina habang communion namin bigla na lang pumasok sa isipan ko na 2 taon na lang aalis na kami sa eskwela. Kasi iba na yung suot namin pag nagmimisa...pang 3rd year na. Parang kung kelan lang kakagraduate lang namin sa grade school...Parang kahapon lang ako lumipat sa AA...Parang ang bilis ng panahon. Tapos na ang isang markahan at may tatlo pang susunod...pero magiging mabilis ang pagtakbo niyan. Mamaya...naghihiyawan na kami dahil tapos na ang kahuli hulihang eksams para sa taong ito. Ang bilis...Ang lungkot...Mamaya nagtetest na kami ng UPCAT at ng ACET... tapos mamaya naglalakad na kami sa stage taas-noong hawak ang mga sari sariling diploma...
Anlabo. Bukas...magsisimula kami sa monologo namin sa pinoy. Ngayon nga pinagiisipan ko kung sino pipiliin ko. Sa totoo lang, si Crisostomo na napili ko at nakagawa na ako ng sasabihin pero...Parang ayos din kung tatay niya ang imomonologo ko. Kaya ayan. Decision making process na naman ako. Pero baka Crisostomo talaga ako...Oh well.
*****
Maraming oras sa buhay ng mga tao na kung saan wala silang magagawa sa mga sitwasyong pumapalibot sa kanila. Wala na lang silang magawa kundi umasa para sa magandang kalabasan ng mga ito. Paminsan ang hirap umasa...na alam mo naman na sa huli malabong mangyari ang gusto mo. Paminsan mas maayos pa ang hindi umasa...habang umaasa kasi ang isang tao...habang tumataas ang mga inaasahan nyo...mas malayo ang babagsakan mo kapag hindi naman nangyari ang mga ito. Mas masakit at mas mahirap tanggapin sa huli. Kasi umasa ka lang sa wala. Sana pala hindi ka na lang umasa...kasi masasaktan ka lang pagkatapos. Kaya pa minsan mas okay ang hindi na lang dinidibdib ang ilang mga bagay sa mundo... hindi naman talaga maiiwasan ang mga bagay na maaaring tumumba sa mga gusto nyo. Kahit na sobrang matatag kayo may oras lang talaga na walang magagawa ang iyong kasipagan at katatagan.
Ano nga naman magagawa natin? Tao lang tayo...

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home