citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Tuesday, August 16, 2005

Hay. Mukha nagiging madalas na ang aking pagsulat dito sa aking dakilang "dear diary". Hindi ko alam kung bakit pero parang gumagaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko dito. Atsaka, kakaunti pa lang naman mga takdang aralin na ibinigay sa amin kaya nagkakaroon pa ako ng oras para sa mga tulad nito.

Kanina, unang beses ako nakapagbilang ng aming dakilang sacrifice box[lalagyanan ng mga perang inabuloy ng aking mga kaklase]...*tigil* abuloy ba ay...perang dinonate? ewan. basta. yun yun. Nakakatuwa na hindi nakakatuwa ang pagbilang ng napakaraming pera. Pero masaya ako syempre...Kami ata ang naka donate ng pinaka marami... pero hindi ito pataasan noh. Masaya lang ako.

Nung panahon nga na nagbibilang ako sa labas ng aming silid aralan, nagkakaroon ng talumpati ang ilan sa aming mga kaklase sa English at kasama ako doon. Ako'y napatigil nang ako'y papasok na sa silid aralan. Nakatingin sila sa akin...yun lang naman ang aking naramdaman. At sinenyasan na ako na. Na blanko utak ko. Alam kong tinandaan ko yun...nakatatak na nga iyon sa puso ko pero dahil sa kakabilang ko lang ng maraming pera...talagang nawala parang bula ang pinaghandaan ko. Dalawang beses ko inulit ang unang pangungusap ng aking talumpati...at kahit ano gawin ko wrong grammar palagi! *iling-iling* Nakangiti nga lang ang dakila naming guro. At buti naman at binigyan niya pa ako ng pagkakataon at pinahuli niya ako. Nanginig kamay ko pagkatapos nun. Para ngang hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. Kahit na hindi ko sinunod ang dapat...mukhang naging maayos naman iyon...*kalibit ng balikat* At buti naman at tapos na rin ako sa wakas.

Kanina pagkatapos kong kumain ng aking merienda sa harapan ng aking kompyuter, may napansin akong kung ano man iyon na kulay asul sa kaliwang braso ko. Tumitig ako ng matagal sapagkat hindi ko talaga malaman kung ano yun. Ayan. Hindi ko napigilan sarili ko...inamoy ko siya...Toothpaste lang pala...*iling-iling*

Hay...Sana matuloy na kami bukas ng hapon. Isang buwan na talaga ang nakalipas mula ako'y nakapaglaro ng softball.

~*~
Sta. Clara,

Bigyan mo po kami ng magandang panahon bukas at sa susunod pang mga araw.

Amen

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

galing mo kaya. benta pa rin sakin ang "SORRY SIR!" mo. nyihi!

you, ap genius, you! :P

6:36 PM  
Blogger kcorbin said...

Bakit ba? :P ano ba meron sa pagsabi ko ng sorry kay sir? lol

9:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

ewan ko ba! basta natawa talaga ako sa pagkasabi mo eh... hihi!

6:02 PM  

Post a Comment

<< Home