alam niyo ba kung anong kaisa-isang salita na pumasok sa isip ko pagkatapos ng unang araw ng review classes..? shit. at isa pang malutong na shit para sa araw na 'to. at walangya. dagdag niyo na yan sa dapat na isang salitang magbibigay kahulugan sa araw na ito. hindi naman kasing tama na dalawa lang ang pinag usapang subject namin kanina. ang math 1 na kasama ang basic arithmetic at trigo at ang kay saya sayang biology na hindi na gaanong masaya ngayon. kalahating math kalahating non-math. ay sus. non math nga. bio naman. hindi tama na sa isang bagsak napagaralan namin ule ang life processes, cellular biology, adaptation at lalo na yung nakakahilong genetics na napakaraming steps na kailangang imemorize tulad ng mga DNA transcription na hindi ko naman naalala nang ibinigay yung pangalawang test na kinuha namin ngayon. hindi rin tama sa pagkatapos ng bawat subject eh may test kami pagkatapos. at hindi rin tama na wala man lang binigay na panahon para magreview ng kahit limang minutos lang. at mas lalong hindi tama na 15 minutes lang yung break namin sa umaga at hapon. may lunch break naman kami ano. isang oras din yun. pero hindi ata kasya ang 15 minutes para makapag pahinga kahit sandali yung kakakatay lang na utak namin eh kakatayin din tapos nun.
shit.
walangya.
sa sobrang sakit ng ulo ko'y bilog lang ako nang bilog kahit na hindi ko na maintindihan kung ano ang pagkakaiba ng isang hayop at ng isang halaman. kay sakit ng ulo ko para bang lata na ginamit sa tumbang preso ng mga gigante at nasagasaan ng tren pagkatapos. wala na kong pakialam kung tama ba yung mga sagot ko. muntik ko na ngang makalimutan sagutan ang isang parte kung saan kailangan mo pa atang mabulag at magpaopera at mabulag muli para lang maintindihan ang walang kwentang drowing na hindi ko makita kung nasan yung nucleus at ang cell wall. ay sus. para nga silang grey na cloud na dinikit sa papel!
ay ewan. kung ang unang araw ng klase ay ganyan na ang naranasan ko...ayaw ko nang pagdiinan ng pansin ang mga maaaring mangyari sa mga susunod pa na araw!

citius, altius, fortius!

2 Comments:
dun sa expertguides. hay naku. depende siguro yun kung anong review classes kinuha mo :P parang gusto kaming katayin eh! lol
;p trip ko lang na i-exag yung nangyari. waha. :D
shet. parang dapat pala yung half day sched thingy yung kinuha namin nina bern.
*titig*
1,000,000 million bottles of beer on the waaaaaaaall...
Post a Comment
<< Home