
bilis talaga dumaan ng panahon. tingnan niyo, last day na ng training namin kanina. actually, nung wednesday at kanina, nagkaron kami ng laro mismo. hinati kami sa dalawang team pero hindi ako nagpitch. si coach rozie nagpitch nung wed at si coach esme naman kanina. i swear, fastball talaga si coach esme. talagang ZOOOOM ang bola! well, siguro hindi gaanong ZOOOM pero ZOOM pa rin. ;p tas biglang nagsignal si coach rozie nung nagbabat ako. eh walangya, nadory ako! haha! nakalimutan ko yung signal na kabibigay lang kanikanina lang. so lapit ako...sabi ba naman sakin mag bunt ako. well, to inform you guys, yun ang hindi ko natutunan. ;p eh medyo natakot takot pa ako sa bilis ng bola kaya hindi tama pagbunt ko. hehe.
kanina ko lang narealize na masakit talaga bumundol sa pader. siguro...hindi talaga pader na pader. yung bakal ba? yung may mga butas butas. yung parang nasa background ng picture sa itaas. ;p yun ang nabunggo ko kanina. saya noh? sinubukan ko kasing habulin yung foul ball eh masyadong malayo kaya hindi ko naabutan. at dahil na rin sa law of inertia, (a body in motion will remain in motion unless acted upon by an outside force) ..pagkatapos kong tumakbo, kailangan kong tumigil diba? at walangya. talagang titigil ka pagbumunggo ka sa pader na tinutukoy ko. at hindi lang ako bumunggo, pakiramdam ko gumulong pa ako sa pader. siguro nga umikot ikot ako kasi nagkabukol ang likod ko! ;p grabe, napansin ko lang na may bukol ako mga 6 oras lang naman pagkatapos mabunggo sa pader. sinusubukan ko kasing mag squat tas nakasandal ka sa pader. ayun! sapul sa bukol. saya talaga.
at hindi nagtatapos ang kasiyahan diyan dahil binigay kanina ang aming jersey! waha. hangkyoot niya kasi may nakasulat nang pangalan at number sa likod. ang problema nga lang...medyo may kalakihan nga lang ang mga sizes nila. katawa nga eh. may isa nung nakita niya ang kagandahang jersey, nanlaki ang mata sabay bigkas ng "HALA". tama ano? haha! siguro iniisip niyo kung bakit ako nagrereklamo since lagi naman ako nagsusuot ng malaking shirts. oi naman. hindi tamang magmumukha kaming maglalaro na naka pajamas ano! imaginin niyo na lang ang damit ni franklindrilon sa katawan ni gma. *peace* wahihihi! hindi naman siguro ganun, pero parang ganun na nga.
;p
ooooh! btw, i'm turning 17 on monday.
darn, i'm old. oh well, tulad ng sinabi ni coach esme...kaya "achi" ang tawag sakin ng mga bata dahil matanda ako.
dotdotdot
WHAT?
citius, altius, fortius!

3 Comments:
Happy birthday. :D
thank you, dear. XD
oi happy birthday kam
Post a Comment
<< Home