citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Thursday, May 18, 2006

(ilang beses nawala 'tong sinusulat ko. kaya ilang beses naputol ang momentum ko. at ilang beses din akong nainis sa computer ko.)

hay buhay nga naman. nakakagulat isipin na kailangan ko nang pumili ng kursong kukunin ko para sa kolehiyo. walang hiya naman oh, wala pa akong napipili! pakiramdam ko tuloy kulang pa ang aking karanasan sa buhay para pumili ng tamang landas na tatahakin sa mga susunod na maraming taon. naalala ko tuloy ang mga seniors dati'y naloloka sa mga application form nila para sa UPCAT. binagsak agad sa harapan nila noong mga unang linggo mismo ng pasukan. hindi ko alam kung ang mapipili ko sa susunod na buwan ay talagang gusto ko pa rin sa katapusan ng taon. sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung ano ang maaari kong kunin. basta ang alam ko ayaw kong pumasok sa kursong medisina o nursing, pati na rin sa architecture at engineering, at pati na rin sa mga kursong maaaring mahulog ako sa opisina. ay, nakalimutan ko na ayaw ko rin mag-abugasiya. at alam kong wala akong pag-asa sa mundo ng musika at fine arts. pero gusto kong maging masaya sa kolehiyo. buti na lang talaga at hindi ako pinipilit ng mga magulang ko sa isang kurso. sa totoo nga lang, wala silang pakialam kung ano kukunin ko. *belat* kaya tuloy parang mas mahirap pumili. pakiramdam ko tuloy mag shishift ako sa ibang kurso pag nalaman kong hindi pala masaya yung pipiliin ko.

aargh. walang hiya talaga. maraming nagsasabi na mag math ako. pero parang ayaw ko naman mabuhay na puro numero lang ang pumapaligid sayo. pero sabi naman ng dakila kong ina na hindi lang raw guro ang trabaho na maaari kong pasukin pagkatapos ng kolehiyo. Hindi ko alam kung ano ba talagang pwedeng trabaho pag math kinuha ko.

Tas dumagdag pa ang paglalaro ko ng softball. Alam kong gusto kong maglaro sa kolehiyo. Gusto ko yung pakiramdam na naglalaro ako para paaralan ko. Pero hindi nga lang ako sigurado kung makakapasa ako sa try-outs. Siguro madaming magsasabi na papasa ako. Pero hindi talaga ako siguro. Alam kong madami ang mas magaling kesa sa ‘kin. At alam ko rin na marami rin ang may madaming karanasan na maglaro. Bakit nga naman sila pipili ng tao hindi naman marunong diba? Kakalungkot tuloy isipin na baka itong taon ang huling taon ko na makapaglaro ng softball. Kung basktetball o volleyball man yun, mas madaming pagkakataon para maglaro. Basta may bola ka at kasama, makakapaglaro ka. Pero sa softball, kailangan mo ng glove, bola, at bat. Kailangan mo rin ng kasama na hindi takot matamaan ng softball. Kakalungkot isipin na kung hindi ako makapasa sa try-outs, hindi na uli ako makakalaro ng softball. :(

0 Comments:

Post a Comment

<< Home