
Nyaha! Bigla ba namang nag brown...este black out kagabi sa 'ming dakilang subdivision. Sobraaang lakas ng ulan nung inaayos ko 'tong blog na 'to. (Kung ayos nga ba talaga ang tawag dito, eh hindi naman ako magaling dito eh) Buti na lang talaga at ang galing ko mag isip! Naisip ko na i-save kaagad yung template ng blog ko bago magblack out. Ayun nga. Pagkatapos mag save...POOF! Kadiliman. and it became Koko Krunch! WEH. haha!
Siguro sabi sa'kin ni Lord "Kamille...tama na yang internet na yan! Sabi mo gagawin mo mga drills mo! Kaya heto...Let there be daaarkness!" Nyaha! Binigyan ako ni Lord ng panahon na mag drills nga. Galing niya talaga.
Pero bago kong maisip na mag drills sa kadiliman, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon kami ni brother dear ng photo session. Haha! Well, mostly ako lang naman ang pumipilit sa kanya eh. Eh since ala siyang magawa, pinag bigyan niya ako.
Hay. Balik tayo sa usapang kurso sa kolehiyo. Oo, tama. Hindi ko pa rin alam ang gusto ko! Pero habang tumatagal nagiging appealing ang Sports Science sakin kesa sa BS Mathematics.
citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home