sinong mag aakala na sobrang hassle ang mabigyan ng responsibilidad na maging OH ng softball club? kailangan mong mag-isip ng mga gagawin. kasi naman, gusto ko maging iba ang club sa taong ito. gusto ko talagang matuto ang mga magiging miyembro ng club na 'to. paminsan kasi parang boring na kapag laro lang ng laro lalo na kapag madami ang baguhan pa sa larong ito. at least kapag natuto talaga sila...magiging exciting diba?
at gusto ko ring subukan na gumawa ng varsity team. hindi ko talaga akalain na sobrang hirap kung matutuloy nga ang varsity team. eh hindi ko nga alam kung pwede kumuha ng coach na hindi teacher sa school. hindi ko alam kung papayag ang Ateam na "bigyan" kami ng pera para palitan ang mga equipment na sobrang sirang-sira na. hindi ko alam kung makakaya ko ang load kung magkakaron ng mga training sessions. eh hindi ko rin alam kung makakahanap ako ng ibang schools na pwedeng lumaban samin.
pero kahit na sobrang ang dami kong hindi alam...kailangang subukan. gusto ko man lang, kung ma-approve kami, maging stable na ang team kahit na nag-graduate na ako. madami kasing may potential sa school. ayaw kong tumigil sila sa kalalaro ng softball dahil wala na sila sa high school. ayaw kong isipin na hindi nila kayang lumaban sa iba na may karanasan na susubok pumasok sa mga college varsity team.
kahit na ayaw ko talagang gumawa ng mga visual plan...gagawa ako basta magkaroon ng varsity team ang school ko.

citius, altius, fortius!

1 Comments:
yan... ganyan dapat pare. Ituloy mo lang. Sabihin mo lang kung may maitutulong ako.
Post a Comment
<< Home