Waha. Sobrang halata na ang pagiging desperado ko. Tumatambay na ako sa mga forums ng Peyups at nagtatanong ng kung anu-ano. Pero seryoso, sobrang nakakatulong tumambay dun. Dami ko natutunan. haha!
Pero tama nga naman yung isang reply dun, dapat nag-aaral ako...hindi pa naman ako sure na sure na makakapasok sa UPD para magtanong ng mga bagay bagay na sa UP lang meron. Oo nga, kailangan. Sobraaaang gusto kong mag review. Nadadala kasi ako ng takot na baka hindi pumasa dun. Pero sooooobrang nakakatamad mag review. Haha! Sinubukan ko ngang mag solve ng word problems kanina eh...kay simpleng math hindi ko na magawa! msParinas! I neeeed you! Nabobo na ko! Bakit parang hindi maunawaan ng isip ko ang simpleng "twice as many _____ as _____". Hindi ko masabi ang pagkakaiba nyan at ng "twice something something". haha! Nakalimutan ko na ang lintik na phrase na pinag awayan pa sa klase dati.
Hay naman. Nalalabuan na ako sa sarili ko. Pwede ring natatawa. Kahit alin dun sabihin ko, angkop pa rin siya sa kalagayan ko. Nung isang linggo, nag ngangawa ako sa sobrang takot (diba?). Ngayon, medyo nagkakaroon na ng liwanag sa buhay ko. (naks naman, may liwanag pa akong nalalaman) Hindi ko alam! Basta dapat gumawa ako ng paraan. Kasi naman, hindi ko ata kaya na bumagsak sa mga pangarap ko kasi ala akong ginawa. Hindi ako makakatulog nang mahimbing na nalalaman ko na may magagawa pa ako. At least man lang, kahit na hindi ko maabot ang mga pangarap ko, hindi ako masyadong mag dadamdam kasi alam kong may GINAWA ako.
Ayan. Tapos na ako sa phase ng pagiging depressed (I hope). Tama nga siya. Dapat hindi maging negative. Dapat laging may positive outlook sa buhay. Ngayon, naniniwala na ko na kaya ko. Kakayanin ko. Kailangang maniwala. Sino pa ba ang maniniwala sa sarili mo kundi ang sarili mo lang, diba? Hindi ka pwedeng umasa LANG sa paniniwala ng iba sayo. Paminsan kasi hindi tayo gumagalaw sa kakahintay na may maniwala sayo, kahit isang indibidwal lang.
At least ngayon, alam kong naniniwala na ako sa sarili ko.

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home