Hay. Finally tapos na ang upcat. Kailangan ko na lang maghintay ng ILANG buwan para sa results. At doon ako mas kinakabahan. Hindi ka kasi sigurado kung makaabot ka sa cut-off nila na 2.3 daw na score para sa upd. At sobrang gusto ko talagang makapasok sa upd. Hindi dahil mura ito. Gusto ko sa upd dahil sa ambiance ng campus. I find the upd campus very comfortable for me. Unlike with admu, in which I was able to sit in a few classes, I find their campus somewhat suffocating. It's too private for me. And even though admu is better with its security (obviously), I still find the upd campus appealing.
Alam naman nating lahat na hindi na safe ang mundong ito. Kung maaari lang na maprotektahan tayo ng AA sa buong buhay natin, bakit hindi diba? Pero paminsan kasi kailangan natin ang makipagsapalaran sa mga karahasan ng mundo. Hindi tayo pwedeng protektahan ng paaralan at ng ating mga magulang laban sa mga kriminal dito panghabang buhay. Lalaki tayong mga ignorante tungkol sa mundo at iyon ang dapat natin maiwasan. Dahil balang araw kailangan nating lumabas sa mga pader ng ating tahanan at paaralan. At kung nasanay tayo na "spoiled" sa security, mahihirapan tayong mabuhay niyan. Mas mabuti na handa tayo kaysa hindi. Mas vulnerable tayo sa mga masasamang elemento ng mundo kapag hindi tayo sanay na makipagsapalaran. Tingin niyo sino ang may mataas na posibilidad ang masaksak o manakawan sa tabi tabi: ang taong laging "spoiled" sa security at iniisip na walang masama sa mundo o ang taong sanay sa labas at alam kung anong pwedeng mangyari?
Pero oo nga, malaki ang posibilidad na maging biktima ang kahit sino dito. Ngunit magiging masaya ka ba kung walang "challenge" ang buong buhay mo?
Kaya ako...upd is the school for me! :)
Hopefully.
And I pray..."Thy will be done."

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home