Hay. Ang bilis ng panahon. Ang tagal na pala ng huli kong entry. Ngayon lang kasi ako nabigyan ng pagkakataong mag-update uli eh. Noong mga nakaraang linggo, laging kupas ako sa oras para sa sarili ko. Buong araw akong nasa school. Ilang oras ding nagbubutas ng upuan sa kakaupo. hehe. Tas tatlong araw ng bawat linggo, gabi na akong nakakauwi dahil sa varsity training. Siguro yun na yung tinuturi kong oras para sa sarili ko. Mas gusto ko pa ngang may training kesa wala. Pakiramdam ko nalulubos ko yung oras ko kesa kung sumabay ako sa school. Ilang oras din ang nasasayang dahil nakaupo lang ako...naghihintay na makauwi sa bahay. Pero nakakagulat din na kaya ko palang mabuhay na may mga training. Pero next week ko masusubukan ang kakayahan ko kasi puro tests next week! Kaya sobrang good luck na lang talaga sakin. hehe. At di ko naman kayang huwag mag training sapagkat ang lapit na ng mga laban namin! At hindi pa rin ako consistent sa mga pitches ko. Waaah! Miss ko na tuloy ang mga kasama ko sa softbelles. :(
Anyway, tama na nga ang dramahan.
Siguro ito ang taon na tinuturi kong pinakamasaya na kahit na ang daming umaaligid diyan na sakit lang sa ulo ko. Araw araw ba namang nagpapakulo ng ulo ko ang isang bagay ano? Pero sinusubukan ko siyang huwag pansinin. Well, hindi ko na talaga siya pinapansin. Sino nga naman siya sa buhay ko diba? Pagkatapos ng graduation, ala na akong pakialam kung saan siya mapapadpad. Ang magagawa ko na lang talaga eh kaawaan siya. Dahil sa mga nagagawa niya, di na maganda ang tingin sa kanya ng mga tao. At siguro dahil na rin sa paraan ng paglaki sa kanya kaya siya nagkakaganyan. Nakakaawa siya kasi hindi siya handa sa tunay na mundong marahas. Nakakaawa lang talaga ang nilalang na iyon... At least alam kong, mas makakayanan kong makipagsapalaran pagkatapos ng graduation!
Pagkatapos ng retreat, ang hirap pa ring i-analyze ang mga nangyayari sa school. Ang hirap masabi kung ano talaga kailangang gawin para di na mainis ang mga guro. Pero ang sabi nga nila, "you can't please everybody". at mukhang kasama sa everybody ang mga guro. lol.
Natutuwa ako at madami akong nakikilang mga tao this year. Hindi ko akalaing magiging close ako sa iba't ibang tao. Nakakatuwa lang talaga na mamahalin ka nila kahit na magkaiba kayo ng mga gusto at ayaw. :) Nakakataba nga ng puso na pinagkakatiwalaan ka nila at nasasabihan ng mga problema nila. Parang, at least, alam ko nakakatulong ako sa ibang tao. :)
Sobrang masaya lang talaga ako ngayon kahit na may isang taong nakakapang-init ng ulo...kahit na hindi pa rin ako consistent sa pitches ko...kahit na ang bigat ng responsibilidad ng pagiging head...kahit na isang tambak na schoolwork ang ibinibigay samin.
*ngiting malaki*

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home