Natatawa na lang ako sa sarili ko. Buong linggo nag-aalala ako. Asus, wala palang katuturan ang pag-aalala ko buong linggo! Nagsayang lang pala ako ng panahon sa kaiisip. haha! eh hindi nga ako nakapagreview sa philosophy nang maayos dahil dun. Siguro kahit si God natatawa sakin kagabi. Parang naririnig ko siyang sinasabi ang "Tsk tsk tsk... Kay liit na bagay naloloka ka na. Sige na nga.. Parang hindi ka na mabubuhay ng isa pang araw eh. O ayan! Happy?" :) Opo! Happy talaga ako! Anlabo kong bata. Kahit ang mga posibleng sabihin sa'kin ni God, iniimagine ko pa!
Hay, ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang, magsisimula na ang huling sem ko sa pagiging highschool student. Hirap talaga makapaniwala. Pagkatapos nun, college student na ako. Panibagong buhay na naman ang kahaharapin ko. Bagong lugar, bagong tao, bagong guro, bagong sistema na ng pagtuturo. Kakayanin ko kayang mag commute sa bawat araw na may pasok ako? Kakayanin ko kayang makipagsapalaran sa mga magiging guro at kaklase ko sa mga klaseng kukunin ko? Kakayanin ko kaya ang buhay bilang isang college student?
(at magiging iskolar kaya ako ng bayan? Sana talaga...)

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home