Hay, november na at malapit na talaga ang Pasko. Ala lang akong maisulat dito kaya binanggit ko lang ang pinaka obvious na bagay. Nalalabuan ako sa panahon natin ngayon. Kaninang hapon, ang ganda ng panahon. Nakapag bisikleta pa nga ako sa subdivision namin eh. Tas ngayon, bigla na lang uulan. May kasama pang kidlat ah. Pero taun-taon lagi na lang umuulan kapag araw ng patay. Lagi kong naalala na hindi nawawala ang putik sa sapatos ko tuwing bumibisita kami ng sementeryo. Kay daming putik na dumidikit sa sapatos ko, lalo na kapag ang tagal namin hinahanap ang mga puntod na bibisitahin namin. Ewan ko ba. Kahit na lagi naman namin binibisita ang kanilang puntod, di pa rin tumatatak sa memorya namin ang eksaktong lugar ng puntod nila. Pati mga nagbabantay doon ay nakikisama na rin sa paghahanap namin. Tsk tsk...hirap talaga kapag puro ulyanin ang buong pamilya...
Ngayon at sem break namin, parang gusto ko nang bumalik sa skul. Para bang hindi ako sanay na walang iniisip na sa totoo lang, dapat madami akong inaasikaso ngayon. :p Umiiral lang talaga ang katamaran ko. Kahit na andami kong oras para gawin ang mga 'yun, ayaw ko talaga! Tas eto ako mamaya, maloloka dahil magcacram uli ako. T.T Hindi na ako natututo sa lumang sakit ko.
Noong isang linggo naganap ang huling intrams ko sa AA. Ang hirap paniwalaan na ang sobrang bilis talaga lumipas ang panahon. Parang kailan lang nung first year kami...walang kalaban laban sa softball. Pero nung natalo namin ang seniors noon, (na wala naman talagang pakialam sa intrams noon) parang kami na yung champion eh! Tuwang tuwa kami! Haha! Nakakatuwa na kahit papano, pinakita namin na may laban kami. :) Tas nung second year nabuo ang grupong PTBU na ang ibig sabihin ang Paa Tuhod Balikat Ulo. Kinakanta yan ng Yellow team tuwing panget ang pitches ko. Aywan ko ba. Pero masaya noon dahil nakilala namin ang mga taga ibang year levels. Third year, medyo malabo ang memorya ko nun. Naalala ko lang binigyan kami ni msVikai ng lollipop kahit na talo kami. :)) Tas ngayon, pagkatapos ng game namin laban sa juniors, napaiyak ako. Hindi dahil sa nanalo kami...kundi dahil wala ng intrams. Tapos na. Parang nag sink in sakin na talagang patapos na ang school year. Mamaya fair na namin. 23 days na nga lang eh. Pagkatapos nun...tuloy tuloy na yan hanggang dumating ang graduation namin...

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home