Hah. Eto na naman ako, nag proprocastinate. Halatang ayaw pang humarap sa isa na namang linggo ng pag-aaral. Hindi ko pa nga tapos ang speech namin para sa English class. Yung tungkol sa Assumption Education AKA kung bakit maganda mag-aral dito at AKA kung paano ba namin ibebenta ang school namin. Gusto siguro nila marinig na holistic formation ang ibinibigay nila sa aming mga estudyante. Hay naku, kung alam lang nila kung ano iniisip ko tungkol sa holistic formation na yan. Oo nga, nagpapasalamat ako at nagkaroon kami ng varsity sa softball at alam ng lahat ng nilalang kung gaano ako kasaya doon. Pero, kulang pa rin eh. Andami nilang kailangang ayusin sa sistema nila. At hindi lang tungkol sa sports ang tinutukoy ko ah. Pero wag na ngang pagdiinan ito... mas lalo lang iinit ulo ko kapag inisip ko pa ito.
Maiba naman ako. Gusto kong magkaroon ng alagang aso uli. Pero ang hirap kasi, ala na akong oras para mag-alaga pa ng aso. Gusto ko pa naman sana na pwede siya sa loob ng bahay. Eh ayaw ng nanay ko. Haha, dati nga eh, pinasok ko sa kwarto ang isang tuta. As in doon ko siya pinatulog. Kasi naman, iyak ng iyak sa loob ng dirty kitchen. At kung may isang bagay na magpapagalaw sa tigasin kong puso, yun ang iyak ng isang aso. :) Kahit na mapagalitan ng nanay, ayos lang basta hindi na iiyak ang tuta. Bumabalik tuloy ako sa hilig ko sa mga aso. Nakakamiss talaga magkaroon ng aso...
Atat na atat na ako grumadweyt sa high school. Less than 2 months na lang hihintayin ko bago dumating ang pinakaaasam ko na araw. :)

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home