Pinalitan ko na yung layout ng blog ko (obviously). At medyo struggle siyang gawin ah dahil sobrang kaunti lang talaga alam ko sa html stuff. Pero matino naman kinalabasan niya eh. :) *is proud*
May binanggit ako sa dati kong entry na naghahanap ako ng mga ibang kasama ko sa sports science. At sobrang nakakagulat yung resulta ng aking paghahanap! 13 lang kaming nakapasok sa sports science. In short, 13 kaming nakapasa sa upcat na kumuha ng sports science. O pwede ring 13 lang kaming kumuha ng sports science. lol. At hindi pa siguro lahat sa amin, tutuloy ng sports science diba? Pwede ring may dumagdag na ibang freshmen. Grabe, at ala akong napansing kumuha ng physical education sa upd! Ano yun? extinct na ba siya? Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun kakaunti ang mga magiging blockmates ko. Sobrang kaunti naman namin sa CHK. Pero siguro good thing din yun since sobrang TUTOK ang pagtuturo samin sa ilang subjects. :))
Nakakatuwa talaga. Parang gumagawa talaga si Lord ng paraan para mas maging kampante inay ko sa kursong kukunin ko sa kolehiyo. Naikwento niya kasi sa akin na may nausap siyang isang sales lady ng mga dvd. At suot niya yung sea games ko na t-shirt na binili niya para sakin noong nanuod kami ng softball sa rosario. Napansin ni saleslady kaya...
saleslady: ms, nanood po kayo ng sea games?
nanay: oo, nanood kami ng anak ko ng softball
saleslady: talaga ho? naglaro po siya sa sea games?
nanay: siguro nagbabalak. pero varsity siya sa assumption. ikaw naglalaro ka rin ba?
saleslady: ay, opo. soccer po nilalaro ko.
nanay: talaga? yung anak ko nga kukuha ng sports science sa up.
saleslady: ay, magandang kurso yan! maganda rin sports science sa ust!
nanay: talaga? maganda? eh ano naman mapapala ng anak ko sa sports science bukod sa pe teacher?
saleslady: madami po, ma'am! lagi pong may kasama na sports science na graduate ang mga athlete!!
haha! dumagdag ang sign ni lord para sa akin! *ngiti*

citius, altius, fortius!

1 Comments:
god works in mysterious ways! mabuhay ang ss at ang tsampyon na salesladyyyy!
Post a Comment
<< Home