ayaw ko ng ipis. bigla akong tumalon paalis ng kwarto ko dahil may nakita akong lumitaw na ipis sa mesa ko. nabunggo ko pa ang paa ko sa pintuan dahil dun. (ilang beses na pala ako nabunggo sa sarili kong pintuan, pero hindi yun ang topic ko ngayon) at sa lahat ng ayaw ko sa mundo, nasa unahan ng listahan ko ang ipis. lalo na ang mga flying ipis. mga walangya sila, hindi mo alam kung saan sila lilipad eh! mas malala pa sila sa mga pang pasaherong jeepney na mahilig mag swerving sa highway eh! Bulate, palaka...kaya ko pang hawakan yung gamit ang mga kamay ko eh. Pero ipis? hindi. as in, hinding hindi. Kahit nga pumatay ng ipis di ko kaya. Masyado akong nandidiri sa kanila. Nakakatawa nga eh, salagubang kaya kong hawakan. Pero ang kamag-anak nilang si ipis, di ko kaya.
at may isa akong realization habang nagpapakatimang ako dito at habang nakadapa kapatid ko sa kakahanap kay ipis. dapat yung mapapangasawa ko sa hinaharap eh dapat kaya akong tagalan lalo na kung may ipis! yung pagbibigyan na lang ako at papatayin na lang ang ipis nang walang reklamo!
XD
nga pala, pagkatapos ng madaaaaming taon, ngayon lang uli ako nakakain ng bunga ng kasoy! :) tsarap!

citius, altius, fortius!

1 Comments:
oh my! tawa lang ako ng tawa nang binabasa ko to! benta ka!!! clumsy ka rin pala e! pero i agree with you, kadiri ang ipis!!! at bakit ba sila ginawa?? wala namang kakain sa kanilang ibang hayop! no use!!! hahaha! at sa magiging asawa mo in the future, sabihin mo dapat bahay niyo ipis-free!!! :D
Post a Comment
<< Home