citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Monday, March 26, 2007

grabe, ayaw ko nang maulit ang nangyari sa gabing ito. parang tinamaan ako ng malas eh. oo nga, oo nga. mukhang minalas talaga ako sa araw na ito.

unang malas, hindi ako nagising ng alarm sa cp ko. buti na lang, nagising pa ko sa mga katok nila sa pintuan ko. hindi na ako nakakaing breakfast sa bahay at sa halip, sa bus ako kumain.

pangalawang malas, hindi ko na-burn nang maayos ang dapat i-pprint ko kanina na mga certificate para sa activity after ng graduation. hindi ko alam kung anong nangyari, andun yung file, ala namang laman.

pangatlong malas, nawala ang bola ko sa softball. nagpupukol kasi ako sa fishnet dito sa bahay, napalakas ko kaya naging wild yung pukol. ayun, tumilapon kung saan man. napunta na ata sa kabilang bakod eh...este sa kabilang subdivision na pala. at wala na kong bola ngayon. T.T

pang-apat na kamalasan, hindi ko mailipat sa cd ang file na para sa certificates para naman maprint ko na sa bahay. kaya lang, walang printer na nakakabit dito sa pc na ginamit ko. hindi ko alam kung paano mag-burn. ilang beses ko ginawa yung dapat gawin, pero wala namang nangyayari sa kin. nag-give up ako at sinubukang gamitin ang usb ng kapatid ko, akala ko naman ayos na ang lahat. pagdating ko naman sa kabilang pc, walang saksakan ng usb don. waah. tas kumuha ako ng bagong cd, na nag-iisa na lang siya sa bahay. ayaw pa rin. tas mga 1-2 oras ko siguro yun pinoproblema. sabay, sa diskette pala siya gumana. walangya. kala ko nung una hindi siya magkakasiya. pero buti na lang nagkasya. at buti nalang hindi kami nawalan ng ink.

ayaw ko talagang mangyari ito uli. gustong gusto ko nang humiga sa kama, bumagsak at matulog. gusto kong bawiin yung tulog ko. pero hindi, kailangang tapusin 'to. ang hirap talaga oh. ang mga ganitong pangyayari ang nagtutulak sa mga luha ko na lumabas. nakaka-frustrate lang talaga. hindi ko magawa ang mga bagay nang maayos. at sinabayan pa ito ng pagod at antok.

at hindi ito magandang oras para makipagbiro sa akin. tingnan niyo, nasungitan ko nanay ko at kapatid ko kanina. *iling iling*

di bale, 3 araw na lang. dumating ka na, please?!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home