nakakatuwa ang nangyari sa akin kanina. ipinapakita talaga sa akin na dapat magtiwala ako sa Kanya at hindi Niya ako pababayaan. kasi naman, hindi ko talaga namalayan na wala akong kinuhang baon mula sa nanay ko kaninang umaga. at noong recess ko lang siya nalaman kaya hindi ako nakakain nung break. hinahanda ko na nga katawan ko na magutom sa buong araw dahil wala talaga akong pera! sabi ko pa nga sa sarili ko na gagawin ko nalang sakrapisyo ang "fasting" kong ito. pero ang galing talaga! kasi nabusog ako nung lunch at wala akong ginastos na kahit isang sentimo! haha. naaastigan talaga ako. sinabihan kasi kami na kailangan naming i-entertain si fr. edwin during lunch sa cafe something something ng aming eskwelahan. kaya may libreng pagkain!! pero sobrang laking struggle yun samin...kasi originally andaming tirang isda, baboy at gulay sa mesa. eh si ms o, "ubusin niyo yan...sayang kasi wala nang gagalaw niyan." waah. T.T talaga kami dun! andaya nga eh. kasi isang kasama ko, di kumakain ng baboy. at yung isa di kumakain ng gulay. so in short, ako yung kumain ng buong isda-baboy-gulay combination. haha! at take note, may mais con yelo pa kaming malaki ah. grabe. tas pressure naman si ms! "oh, bilisan niyo diyan at malapit na magstart ang commissioning ninyo!" T.T
haha!
sabi nila mas nakakaiyak daw ang mga seniors kapag commissioning ceremony kaysa sa graduation. pero wala akong naramdamang kahit katiting na kasentihan. mas nasenti nga ako nung huling school mass namin kung ikukumapara sa kanina. busog na busog kasi! hehe...
nakakaasar. basta nakakaasar talaga. gusto kong dumalo diyan pero di kaya. gusto kong panoorin kayo, hindi naman pwede. kakaiyak naman ito!

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home