Nalulungkot ako ngayon. At hindi rin nakakatulong ang pakikinig ko sa mga sentimental na mga tugtugin. Daming kasing bagay ang iiwanan ko pagkaalis namin sa AA. Ang mas mahirap pa dun, maghihiwalay na kaming lahat. Pupunta na kami sa mga sariling landas na nais naming tahakin.
Grabe, parang hindi ko maimagine sarili kong nagtatrabaho. Pagdating na kasi nun, iba na. Wala na ang mga guro, mga kaklase. Kahit papano habang estudyante ka pa, may limitasyon ka pa. May mga guro, magulang, mga pamantayan na nililimita ang mga galaw mo. Sinusunod mo lang sila. Isang bagay lang naman ang dapat mong gawin, at ito'y mag-aral nang mabuti. Pero kapag umalis ka na sa stage na iyon, mas magiging malawak na ang mundo mo. Mas hawak mo ang mga ginagawa at responsibilidad mo. Parang ang hirap talagang isipin na pagkatapos ng 5 taong pag-aaral, maghahanap ka na ng trabaho. Posibleng mag-asawa na pagkatapos nun. Magkapamilya. Mygawd. Ang bilis.

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home