Talagang mabilis ang panahon. At wala nang makakadeny sa katotohanang iyon. Naaalala ko pa ang mga oras kung saan lagi kong sinasabi sa mga entry ko dito na ang bilis ng panahon, na ilang buwan na lang gagradweyt na ako. Ngayon nga, wala nang isang buwan kundi ilang linggo na lang. Paminsan hindi ko alam kung ano ba talaga nararamdaman ko tungkol sa malapit na paglisan ko sa naging paaralan ko sa loob ng pitong taon.
Kahapon, huling misa namin kasama ang buong school. Basta may ginawa kami kasi death anniv ni MME. Eh kinailangan naming dumaan sa may malapit sa clinic. Ewan. Habang dumadaan kami...naaalala ko ang mga memories na nakadikit sa mga lugar sa AA. Nakakasenti talaga. Habang misa, pinipilitan kong wag umiyak. Bwiset, bakit kasi ang iyakin kong bata. Kaunting drama, naluluha na.
Paminsan naman, atat na atat na kong umalis sa school ko. May mga bagay lang kasi na nakakasakit ng ulo dun. Na tipong ang sarap sarap kunin na ang diploma mula sa business office para tapos na. Pero iiral na naman ang kadramahan ko. Pagkatapos nito, wala na.
Mygod, naalala ko pa unang araw ko sa school. Noong inelect akong sec.head ng class namin. Masyado akong insecure at takot noon. Nakatayo lang ako sa harap ng klase at kakabigay lang sakin ng dapat kong gawin, umiyak ako sa takot. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Masyado akong takot humarap sa mga tao. Masyado akong takot na maging officer...at sec head pa man din yung posisyon ko. Ilang buwan ko din yun dinamdam. Hanggang dumating ang retreat kung saan ko hinayaang bumuhos ang lahat ng sakit at insecurities na hawak hawak ng dibdib ko. Paminsan, iniisip ko ba kung magresign na lang ako sa posisyong meron ako. Gusto ko na lang mag-give up kasi hindi ko nakakaya ang trabaho ko. Pero eto ako ngayon, tumagal naman kahit papano.
At ngayo'y bumabalik ako sa nakaraan, sobra sobra ang pasasalamat ko sa mga nangyari sa huling taon ko sa AA...kahit sa mga nakakapagod na mga pagsubok, kahit sa mga oras na umiiyak ako sa pagod. At para sa lahat ng yun, maganda o hindi, natutuwa ako at nangyari iyon sa buhay ko. Ngayon lang ako natauhan na hindi na ako nagsisi sa pagpapatuloy ko sa mga risks na ginawa ko.
Pero hindi pa rin nawawala ang takot sa akin. Aalis na kasi sa isang secure na lugar. Sa lugar na sobrang familiar ng mga mukha na makikita mo araw araw. Pero sa pagsapit ng pasukan sa June, bagong buhay na naman. Kailangang mag-adjust uli. Kailangang masanay sa lugar na kahit sino pwede mong makasama. Sabi nga nila, ito daw ay microcosm ng lipunan natin. Mukhang may katotohanan naman ito. At ito ang nagdudulot sa akin ng takot. Parang hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-expect ko sa pagpasok sa up. Madami pa akong hindi alam sa buhay. Sana lang talaga hindi ako mag-waver sa mga pinaniniwalaan ko... Sana hindi ako matulad sa iba na madaling madala ng peer pressure... Hirap din kasing masabi kung magagawa ko ba ang lahat ng sinasabi ko ngayon. Ewan ko ba... Pero sana talaga hindi...

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home