Kahapon, nagbisikleta ako pauwi mula sa training namin sa arnis. Malapit nang gumabi nun. Pagdating ko sa gate, pinagbuksan ako ng kapatid ko at pinasok niya ang bisikleta. Binati ako ni corbin at sa sobrang tuwa niya, tumakbo siya palabas. May dumadaan kaya nilapitan niya, pinapaalis ko siya at iniwanan naman ni corbin yung tao. Tumakbo siya palayo papunta sa mga damuhan. Biglang may dumaan na tricycle. Nagkasalubong sila. Sakit sa puso nung narinig ko iyak niya. :( Grabe, sinigawan ko talaga yung tricycle driver. Pinipigilan ko talaga sarili ko na murahin siya. Pagpasok ko ng gate, narinig ko nanay ko sabi niya duguan daw siya!! Sobrang kumirot puso ko. Ngayon lang kasi nangyari ito. Makita mo ba naman inaalagaan mong aso nasa ilalim na ng tumatakbong tricycle. :( Pinagdarasal ko talaga na sana hindi malala ang kalagayan niya. Nakita ko siya sa may tabi ng sofa namin. Duguan yung nguso. Umupo ako at tinawag ko siya. Lumapit siya sakin kagad. Buti na lang alam niya na hindi ko siya sasaktan. Hinahanap ko sa nguso niya kung saan nagmula yung dugo. Sa may ilong pala. Nagpakuha ako kaagad ng tissue at ice.
Halatang na-trauma si corbin sa nangyari. Nakahiga lang siya at tinatago ulo niya. Buti na lang at hindi siya napilayan. Grabe, kakagaling ko lang ng training sa arnis, tas biglang humarap sakin ang ganitong pangyayari. Naging duguan din kamay ko. Pero wala akong pakialam. Nawalan ako ng ganang kumain. Pero kumain pa rin ako kahit katiting lang. Gumawa akong ng pagkain nila. Kahit siya, nawalan din ng gana. Hindi ko maiwanan si corbin sa labas. Pinasok ko talaga siya sa bahay para mabantayan ko at dun siya muna matulog. Ayaw ko talagang mangyari ito uli. Sakit sa puso eh. Hindi ko pa rin mawala sa isipan ko yung nangyari kagabi. Pero nagpapasalamat ako at maayos na siya ngayon... :)
***
Grabe, nakakatakot talaga ang mga lola magalit. Malutong sila magmura! X_X At wala kang magagawa kasi kapag pinatulan mo, mas lalong magagalit sayo!
***
IMO, simply accepting and letting go is the easiest way for your heart to cope with certain changes that you can never control. Holding on will only hurt you more. And it will leave you with many sleepless nights while the person you're thinking of is not feeling bothered at all. :)

citius, altius, fortius!

1 Comments:
aww. buti naman maayos na si corbin. :)
Post a Comment
<< Home