citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Thursday, April 19, 2007

Masaya ako ngayon kahit na unti-unting humahapdi ang aking mga mata at sumasakit ang aking ulo habang lumilipas ang oras. Nagising kasi ako nang maaga para sa pre-enlistment namin. Oo na. Masyado na akong excited na pumili ng subjects. Hehe, first time ko kasi eh.

Hay, napahalakhak ako dito sa kwarto ko nang makita ko na isa lang ang aking block. Haha, buti na lang at nakasarado ang aking pintuan at walang nakakita at nakarinig sa 'kin na tumawa na para isang loka-loka. Kasi naman, 13 lang ang nabilang ko na nakapasa at kumuha ng BSS, kaya talagang mapipilitan kaming maging blockmates sa buong buhay namin sa UP. ;) Hindi kaya magsawa na kami niyan sa pagmumukha ng isa't isa? Hehe...

Buong araw akong nakaupo sa harap ng aking dakilang kompyuter. Umalis lang ako para kumain, mag-banyo at pumunta ng dentista. Sa totoo lang, natapos ko na ang pre-enlistment ko kaninang tanghali. Eh mga bandang hapon, may nakapagsabi sakin na mamamatay ako kung ang subjects ko na magkasunod ay galing CHK papuntang CAL. At medyo malayong lakaran yun. Tingin ko sobrang matataranta ako kapag tinuloy ko ang orihinal ko na plano. Baka hindi pa ako makapag concentrate niyan kapag ganun ang mangyayari sa sched ko. Kaya ayun, binago ko uli ang mga time slots at pinalitan ang isang subject. Kaya naging 2 ang writing subjects ko. Isang English at isang Filipino. Hah. Sana lang talaga hindi ako mamatay sa ginawa kong desisyon. Pero ang masaya dun, wala silang exams at quizzes DAW. XD

At grabe, puro Arts and Humanities ang subjects na binigay ng crs sa block/course ko. 5 ang binigay na subjects na ang equivalent ay 15 units. At ibig sabihin daw niyan, ay ubos na ang AH subjects ko sa buong stay ko sa UP. Akala ko pa naman makakatikim ako ng MST na subject. Patay ako niyan, baka makalimutan ko ang mga napag-aralan ko sa AA nito. *kamot ulo* Sana lang hindi.

Hay. Mukhang magiging masaya PE ko. Orienteering. Bago diba? Ang weird pakinggan ng pangalan. Parang pinaghalong map-reading at cross-country racing daw ito. Sana masaya 'toh! ;)

Excited na ko mag-aral uli! XD

1 Comments:

Blogger yo! said...

hindi kayo poreber magkakasama ng blockmates mo. :) hindi kayo magkakasawaan,pramis.

10:13 PM  

Post a Comment

<< Home