citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Wednesday, May 23, 2007

Ang ganitong klase ng panahon ang nagtutulak sakin na maging tahimik at mag-isip ng mga kung anu-anong bagay. Well, sa totoo lang, lagi naman akong tahimik mga ganitong oras. Kasi naman nasa harap lang naman ako ng kompyuter. Magmumukha naman akong tanga kung nagsasalita at kinakausap ko sarili ko dito diba? Pero seriously, mas lalo akong napapaisip. Tungkol saan? Sa mga sari-saring bagay...

Dahil kakatapos lang ng aking kaarawan, naisip ko na ang bilis talaga dumaan ng panahon. Parang kailan lang nung umapak ako sa hayskul. Kailan lang nung literal akong gumugulong sa lupa sa kakahabol ng bola ng softball. Kailan lang nung minumura ko ang pagmememorize ng mga iba't ibang dasal sa asian histo. Kailang lang nung minumura ko ang isang guro dahil sa mga nakakabaliw niyang exam sa amin. Tama bang mahabang paragraphs ang mga modified true or false questions? Nakakabaliw. Pero nakakamiss. Parang kailan lang nung hindi ako nag-aral para sa isang exam. Tinamad ako biglang magmemorize. At sa sobrang takot ko, este namin (kasama ko bestfriend ko XD), todo cramming nung lunch break. Parang kailan lang nung na-elect akong section head. Kailan lang nung minulto kami nung retreat. Kailan lang nung naka-home run ako sa unang pagkakataon sa buong pitong taon kong naglalaro ng softball. Hay, ibang feeling nun. :D

So many memories. Ano na kaya ang buhay ko sa susunod na 18 na taon ano? Pero sana masaya ako. Kahit na hindi na ako maging mayaman o sikat or whatever. Basta masaya lang ako. Kahit madaming problema sa tabi-tabi, basta makayanan. Magkakapamilya kaya ako? Sana naman, oo. Para naman di ako tumandang nag-iisa. Ang kawawa ko naman nun. Parang hindi ko kaya na puro trabaho lang aatupagin ko sa pagtanda ko. Kailangan ko ring malibang. Haha, nakakalibang na pala magkaroon ng pamilya ano?

Natawa nga ako sa reaction ng nanay ko kanina. Pinag-uusapan kasi namin yung mga anak, pagiging nanay, mga ganung topic ba. Bakit daw ako nag-iisip ng mga ganun eh wala pa naman daw akong boyfriend. Nyay, tama ba yun?

At malapit na naman ang pasukan. Naalala ko nung gabi bago magpasukan noong first year hs ako. May sinulat ako sa isang notebook ko. Bilis ano? Matatapos na ang summer. Magsisimula na buhay peyups ko. Este, biyaheng peyups pala. :) Ano kaya magiging bagong ako kapag grumadweyt na ako ano? Hala, di pa ako pumapasok, graduation na kaagad iniisip ko. XD

***

Gusto ko na uli mag-arnis!! XD Sobrang mahal ko na ito kahit na sumasakit buong katawan ko kinabukasan.

Nung bday ko nga, nagbasa ako ng diyaryo at nakita ko sa horoscope na parang yung isang bagay na nakasanayan kong gawin sa loob ng pitong taon ay mawawala na at may papalit ng iba. Well, hindi accurate yung time since 7taon lang ako naglaro ng softball. Tama kaya si horoscope? Papalit na nga ba si arnis sa buhay ko?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home