Ang isang bagay na sobrang ayaw ko ay ang maging late sa isang importanteng pupuntahan/activity. Sa totoo lang, kahit nga hindi masyadong importante eh. Pero ang mas ayaw ko ay ang maging late dahil sa ibang tao. Lalong-lalo na kapag ang mga taong iyon ay kapamilya mo. Eto ako, nagising ng sobrang aga kasi ayaw kong maging huli. Natapos na kong maligo at magbihis, ang nanay ko na maghahatid sakin, tulog pa rin. Edi ibig sabihin ba nun kapag hindi ko siya kinatok, hindi siya magigising at hindi siya makakakilos? Usapan namin alas-siyete ng umaga kami aalis. At ang aking dakilang kapatid, alas-siyete nagising! Tama ba yun? Edi anong oras na kami nakaalis nun? Pero hindi na ako nagreklamo. Naku, baka magkasagutan lang kami. Nag-silent treatment na lang ako sa kanilang lahat! LOL
Naglaro kami sa softbelles. Nakakainis. Hindi pa rin nawawala yung sakit ko na humihina mga pukol ko tuwing may batter na. Di ko alam kung maaayos pa yun. *kamot ulo* Pagkatapos nun, nagkaroon kami ng picture taking. Naks. Haha, parang photo shoot! Ilalagay kasi dun sa certificate na makukuha namin. Taun-taon merong ganun. Eh since pangatlong taon ko na, may kapal na ko ng mukha para magcandid sa photo! nyahaha! Siguro kapag hindi ako tamarin, ilalagay ko yung picture na yun kapag nakuha ko na.
Anyway, nag-extend kami kasi nga may "photo shoot" kami. Eh nung natapos ang laro nakita ko nanay at kapatid ko, at dahil hindi pa kami tapos, pinahintay ko sila. Buti nga sa kanila. Edi naramdam nila kung paano maghintay. Wahaha. Sama ko ba? XD Medyo lang naman. Erm, diba...? XD
Kumain kami sa isang restaurant sa isang mall dito sa metro manila. Unang beses kong kumain dun. At medyo overwhelming ang experience dahil sobrang laki ng serving! Pero may mas overwhelming na experience dun! *laking ngiti* Ang gwapo ng isang waitress dun. Sheyt. WAHAHA! Tama ba ito? Bigla akong natibo kanina. Kasi naman! Ma-hospitable kasi sila dun. Eh ang gwapo pa, I swear. Bihira ako magka-crush sa kapwa babae ha. Pangatlo lang naman siya sa listahan ko ng mga naging crush kong babae. XD Tuloy, nakangiti ako habang kumakain. Wahaha! Siguro kapag may dala akong digicam kanina, kinuhanan ko siya ng litrato! XD
Ay, pasensiya na ha. Wag kayo mag-alala, bihira naman ako nagkakaganito eh. XD Kaya pagbigyan niyo na ako. NYAHA.
Hehe, pagkakain namin, nanood na kami ng spiderman 3. Langya. Tama bang maiyak ako sa movie na ito?? XD Nag-enjoy ako. Well, halos lahat naman ata ng napanood ko nag-enjoy ako eh. Except lang sa sunshine na natulugan ko. :D

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home