citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Sunday, May 20, 2007

Grabe, sa lahat siguro ng naging training namin sa arnis, ngayon lang sumakit nang ganito ang katawan ko. Pero ayos lang kasi talagang applicable siya, lalong-lalo na't mga babae kami at vulnerable sa mga masasamang elemento sa paligid. Nagsimula kami sa simpleng strike na tinatawag na witik. Sumunod ang horizontal strike na hindi ko makuha nang maayos. Iikutin kasi yung kamay nang sa gayon dumaan siya sa ilalim ng babae at gagawa ng horizontal na strike. Ilang beses pinagawa sakin ng guro namin pero hirap talaga i-target sa kamay yung ganung klaseng strike. Kulang pa ata sa flexibility yung wrist ko eh. XD Pagkatapos nun, natuto na rin ako ng tamang paraan para makapag-block!! Yey! Frustration ko ito nung isang linggo dahil hindi ako maka-block nang tama. Sana lang hindi ko makalimutan natutunan ko sa blocking... T.T

Hayayay, kala niyo sumakit katawan ko dahil diyan? Ay, hindi lang iyan ang dahilan. Bumalik kasi kami sa paggamit ng empty hands. (empty hands nga ba yung term nila dun?) Walang hawak na armas, kamay mo lang, kasama ang buong katawan, ang gagamitin mo. Tatlong estillo ang itinuro ng guro namin kanina. At deadly ang pinaka-huli. Pero di ko sasabihin kung paano yung gagawin. Sikretong malupit namin yun eh. ;) Basta ang dapat mangyari sa kalaban ay mapatumba mo siya nang mabilis! At hindi pa namin nararating ang mabilis na part, dahil nasa trial and error pa kami. Iyan pala ang totoong dahilan kung bakit nananakit katawan ko ngayon. Walang kwenta naman kasi ang alam namin kung hindi namin maisasagawa sa kapwa namin diba? Kaya pinapatumba namin ang isa't isa. Nakakagulat nga lang kapag ang guro yung kaharap, ang bilis sobra! Sa umpisa nanununtok ka, tas maya-maya lang, nasa sahig ka na at kaharap ang tuhod niya! XD

Maliban sa tatlong estillo na itinukoy ko sa itaas, may mga idinagdag pa siya. Para naman iyon sa mga pagkakataong hilain kami ng kung sino mang masamang tao diyan sa tabi-tabi. Ipinakita sa'min yung mga posibleng technique na pwede naming gawin para makawala sa hawak ng elementong iyon.

Nyay, sa susunod na linggo na ang sobrang nakakakabang gathering na kinukwento ng mga seniors namin. Dadalo kasi ang grandmaster namin. At maaari ring dumalo ang mga taga-quezon city chapter. Magpapakitang gilas DAW kami. At medyo proud DAW mga seniors samin at gusto nila kaming "i-show off", dahil mga babae kami. Ngak. Kasi naman, sobrang iilan lang daw na kababaihan ang nag-aaral/marunong mag-arnis.

Sana lang talaga hindi namin mapahiya ang sarili namin at mga seniors namin sa susunod na linggo. *crosses fingers*

***

Yeee! Happy ako ngayon kasi may natanggap ako na regalo mula sa tita ko sa estates. Memory Card ng digicam ko. Sobrang mahal kasi ng memory card dito sa pinas. Di ko ma-afford. Kaya nakasalalay lang ako sa internal memory ng digicam ko. :inlove: 1GB ba naman ang memory niya! <3

At dahil din sa pangangalikot ko sa niregalo niya sa kapatid ko, natuklasan ko na pwede pa lang kumuha nang malapitan sa digicam ko. Naiinggit pa ako dati sa mga kaklase ko na kayang kuhanan yung mga sulat sa notebook nila. Yun pala, ako din pwede sa mga ganun! XD At higit na sa isang taon ang nakalipas mula nang magkaroon ako ng digicam. Haha, tama ba yun?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home