Nalulungkot ako ngayon. Dating-dati ko pa ito naiisip, actually. Pero mukhang ngayon na talaga magkakatotoo ang ayaw kong mangyari. Alam niyo naman siguro kung gaano ko kamahal maglaro ng softball. Pitong taon na ako naglalaro nito. Kahit na ba sabihin ko na nung mga unang taon ko dito eh hindi ko naman naseseryoso at di ako marunong nito, napamahal na sakin ito. Lagi ko ngang naaalala sinabi sakin ni coach.lia. Nalaman kasi nila na hindi ako tutuloy sa varsity sa upd. "Alam kong naging buhay mo yang softball. Kaya mo yun ano!" sabi niya. Pati si coach.es nanghihinayang. Halata naman sa reaction nila.
Ewan ko ba. Hindi ko alam kung nagpapakatanga ako dito sa naging desisyon ko. Nakakalungkot lang talaga. Bukas na kasi huling araw namin sa softbelles. Sinong hindi malulungkot diba? Lalung-lalo na kung alam niyang hindi na siya magkakaroon ng ibang pagkakataong makapaglaro ng softball uli. Mas lalo nga akong nalungkot nung sinabihan ako ni coach.es tungkol sa pukol ko. "Next time, wag kang matakot sa mga batter ha? Humihina pukol mo eh." Sabi ko sa sarili ko, wala nang next time eh. Wah. Ang babaw ko ba? Masyado ba akong madrama?
Hay...Mamimiss ko talagang maglaro ng softball. :(

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home