Sinabihan ako kagabi ng isa sa mga seniors ng lapunti arnis kung pwede kaming dumalo sa isang pre-gathering na ewan na ginanap kaninang umaga. At dahil wala namang akong gagawing importante at para naman malibang ako kahit papano, pumunta ako kahit na sobrang late ako nakarating dun. Hala, at puro lalaki sila. X_X
Totoo ngang sabi nila, bihirang bihira lang ang mga babaeng arnisador. At kanina ko lang natuklasan na yung mga natutunan naming mga drills na gamit ang kamay lang, eh supplementary lang pala. Hindi pala kasama ang mga yun sa totoong curriculum ng lapunti arnis. Nyay, mas lalo nga akong nagulat nung sinabi sakin na may curriculum sila para sa bawat belt sa martial art na ito.
Una ang likas. Sunod ang luntian, tapos ang likha. At ang huli ang lakan. At ang sabi sakin, ang lakan ay mas madaming level. Pataas nang pataas ang rank mo dito. Yung mga nakasama ko ngang seniors dun na alam kong madaming taon na ang inilagi nila sa pag-aaral ng lapunti arnis, eh nasa 3rd belt palang! X_X
Kamusta naman yun diba? Kelan pa kaya ako aabot sa mataas na rank? LOL. And to think na ang training daw na ginagawa nila dati eh araw-araw. Pano kaya kami na once a week lang ang training diba? XD
Kanina may tinuro sakin na tinatawag nilang tapi-tapi drill. Medyo nakaka-conscious nga eh kasi ako lang ang todong baguhan dun. Actually, hindi lang medyo eh, sobra! Pero nakakatuwa yung drill na iyon. Talagang bibilis ang hand-eye coordination mo dahil dito.
At sobrang nakaka-amaze panoorin silang mag-arnis. Ang saya pa nila dun. Parang mga nilalang nagkaroon bigla ng second childhood. Mas lalo tuloy akong naganahan na ituloy-tuloy na ang training ko sa arnis. XD Nakakatuwa nga eh. Related naman sa arnis ang kurso ko eh. Kung makaakyat man ako ng belt, may background ako para magturo diba? :) (yiikeee!)
***
Kanina, dahil wala na akong ibang choice, kinakausap ko yung 7 y/o na anak ng isang senior sa'min. At doon ko nakita kung paano talaga ka-inosente at makulit ang mga bata. Sobrang vivid ng mga kaisipang dumadaloy sa utak nila. Sobrang simple logic ang ginagamit nila. Pero kahit na medyo kakaiba yung kaisipan nila, makikitang may logic talaga dito.
Hay, miss ko tuloy childhood days ko.

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home