...
Pasensiyahan na at nawala ang dapat kong isulat dito sa entry kong ito. Laking gulat ko lang nung nakita ko na nasa FILIPINO na pala ang lengguwahe ng BLOGGER ngayon. Medyo matagal-tagal na rin pala akong nawala ano? Kaya tingnan niyo naman kung gaano kalaki lumaki ang aking singkit na mata nung pupumunta ko dito sa paggawa ng post. XD Ganito o, 0_0. hahaha!
Anyway, balik tayo sa orihinal ko na post dapat.
Napansin niyo namang matagal na kong hindi nakakagawa ng post dito. Hindi ko man lang naikwento ang aking first days sa bago kong school. Nakakatamad kasi gumawa ng mga posts last week. Memorable siya kahit papano. :)
Ayos naman ang mga nakuha kong profs. Yung isa nga lang, medyo may personality ng isang aktibista at kung magsalita sobrang passive. XD Pero ayos lang, sumasang-ayon din kasi ako sa iilang ideya niya. Nakakarecite nga ako sa klaseng yun eh! :) Yung iba naman, masayahin naman sila saka mabait. May isa nga lang na medyo nasa pasaway na side. XD Parang nakakatakot na ewan sa klase niyang yun. Sa PE lang ako sobrang kinakabahan, kasi madaming mga upperclassmen na andun at wala akong kakilala sa klaseng yun. Sana lang may makilala pa ko.
Noong una, nag-aalala ako kung saan kaya ako makakakain ng lunch sa school. Sobrang kalat kasi ng mga gusali at iba't ibang mga tao ang kasama ko araw-araw. Pero nabuhay naman ako. Nakakayanan ko naman. :)
Nakilala ko na rin pala ang mga nakakausap ko sa peyupsdotcom. Hehe, ang kukulit nila. Kaya kung walang kasama, pwede silang mahatak! XD
Nakakahilo nga lang mag-aral sa upd. Lalo na kung dikit-dikit mga subjects mo at may iilang minuto lang ang binibigay sayo para makalipat ng klasrum. Buti na lang hindi pa ako nahuhuli dahil sa ganoong schedule. Kaya lang, nalate ako dahil nahirapan akong magcommute nung isang umaga. Di pa kasi ako sanay dun sa sistema sa masinag. Mali pala yung pinipilahan ko nung una. Edi mas natagalan ako! XD Ang bagal pa dumating ng mga FX na papuntang aurora. Grabe, hindi pa nagpababa sa tapat ng CAL ang jeep. XD Edi mas natagalan. Wala pa yung klase dun sa dapat na room. Yun pala lumipat sila. At wala pang natirang upuan na bakante kaya kumuha pa ko sa ibang room. XD Sobrang pawis ko nun. Haha! Nakakahilo talaga. Umagang-umaga, pinawisan na ako.
At sa mga unang araw ng klase, halos lahat ng homework ay yung index card. Pero nang natapos yun, meron na akong 2 reporting na gaganapin bukas, at 1 pagbasa ng napakahabaaaaaang reading at namatay utak ko pagkatapos nun.
Nga pala...
Nakita ko na pala siya. :)
****
Dapat tapos na yung entry ko. Pero dahil na-tag ako ni sycophite, napilitan akong pahabain pa ang post kong ito. XD At ito ay tungkol sa mga weird na mga bagay tungkol sa sarili ko. XD At bahala kayo kung gusto niyo 'tong gawin. hehe
1. Kinakain ko yung balat ng hipon at sugpo. Sobrang sama kasi ng tingin sakin ng mga kaibigan ko kapag ginagawa ko yun. XD Iba kasi ang hipon at sugpo kapag hindi kasama ang balat! Parang may kulang ba.
2. Tahimik ako sa klase pero paminsan talaga madami akong gustong sabihin kaya lang hindi ko magawa. Mas nangingibabaw kasi pagiging mahiyain ko kaya wala akong masabi. Pero ngayon, sinusubukan ko nang sabihin mga gusto kong sabihin. :)
3. Hindi ako nabubuhay kapag wala akong dalang panyo kapag lumalabas ako. Isang mahalagang bahagi na yun ng katawan ko! Mawala lang ang lahat (di kasama form5 dito. XD), wag lang ang panyo!
4. Erm, weird ba na nahihirapan ako mag-isip ng mga weird things tungkol sa sarili ko? XD Haha, alam ko na. Wala akong kaalam alam sa mga damit. Di ko alam kung ano tawag sa kanila. Bihirang bihira naman kasi akong mamili ng mga sarili kong damit eh. XD Ayaw ko kasi nun. haha
5. Wala rin akong alam sa mga kanta ng panahon ngayon. Hindi ako updated. Kung may kinakanta man ako, ito lang yung naririnig ko mula sa mga dati kong napapanood sa local tv. XD Kaya in short, ako'y jologs. hahaha!
6. Kapag kunwari ginugutom ako, pero tinatamad akong kumuha ng pagkain, mas gugustuhin ko pang magutom kesa kumuha ng pagkain. XD Kapag umiral na katamaran sakin, bihira mo kong mapapagalaw.
Di masyadong weird, ano? Hirap ako mag-isip. Weird na kasi ako. XD Di ko alam kung ano ang weird sa ibang tao. XD Hahaha

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home