*hinga ng malalim* Kinakabahan ako para bukas. Parang nahihirapan akong huminga na ewan. Eto palagi nangyayari sakin kapag stressed out ako. Hay, lagi nga akong ganito nung mga araw na may laban kami sa softball. O di kaya may monologue kinabukasan sa school. O di kaya may palapit na activity kasi hindi ko pa naaayos mga visual plans. At tulad ngayon, pasukan na bukas. Syempre, mas iba ito sa mga naging unang araw ko dati sa school. Daming bago bukas. Parang nabawasan ng routine ang mga magiging school days ko. Di tulad ng sa gs at hs na palaging pareho ang oras ng paggising ko. Yung sense of security ng dala na may fixed sched sa araw-araw. Ngayon, iba-ibang oras ang gising. Ibang oras din ang pag-uwi mo. XD Hay, malaking hassle. Haha
Nakakakaba. Grabe. Dapat bang matulog na ko? XD
Nakakakaba. Grabe. Dapat bang matulog na ko? XD
citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home