citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Monday, June 04, 2007

Kahapon nagkaroon ng outing ang Rizal Chapter ng Lapunti Arnis sa isang liblib na lugar sa San Mateo na tinawag na eartHaven. Tumuloy pa rin ako kahit na alam ko nang hindi ko makakasama ang 2 kong arnisador na kaibigan. Hindi ko naman alam na aabot kami ng hapon sa lugar na yun kaya tubig lang dinala ko. Hindi rin ako masyadong kawawang bata ano? Walang pagkain, tubig lang ang bitbit. Natapon pa tubig ko sa loob ng aking bag kaya nabasa ang nag-iisang pamalit na dala ko. Buti na lang kamo dala ko digicam ko nung nagtetrek kami kaya hindi siya nasama sa mga nabasa kong gamit...

Maganda ang lugar dun. Pinapalibutan kami ng madaming halaman at puno kaya masarap matulog dun at magpahinga. Kaya lang medyo humid lang yung paligid dahil daw nasa loob kami ng valley kaya wala masyadong hanging dumadaan samin. Mga 9 siguro ng umaga nang nakarating kami sa lugar. Halos lahat ng dinaanan naming kalsada eh paakyat, kaya goodluck sa sasakyan ni SirManny. Muntik na ata tumirik yung van na dala niya eh. Hehe.

Wala muna kaming ginawa nung nakarating na kami dun. Nakatambay lang ba. Ngunit mas pinili ng mga bata na maging productive at naglaro sila ng chess gamit ang portable chess set ni Jet. Biruin niyo, 9 yrs old na bata natalo lahat ng kumalaban sa kanya. Kahit si SirMike na nakipaglaban ng 3 beses eh natalo niya. Pambihira galing ng batang yun. Sugod lang nang sugod eh. Parang alam na yung plan of attack na gagamitin niya. Nasa chess varsity team pala siya ng school niya. Kaya pala humusay nang ganito yung bata. Buti na lang hindi ko siya sinubukan kalabanin, wala na kasi akong matandaan sa paglalaro ng chess eh! Pathetic ba? XD haha!

Maya-maya kaunti, niyaya kami ni SirMike na dumaan sa mga obstacle course na meron dun tulad ng monkey bridge...monkey bridge...saka er, ewan. at halata naman na yun lang naalala kong pangalan diba? Madali lang dumaan sa dalawang rope bridges na meron dun. Akala ko nung nakita ko ang mga ganun sa tv eh sobrang hirap gawin. Hindi pala eh. Yakang-yaka naman! Yung hindi ko lang dinaanan eh yung log tapos kailangang maiwasan mo ang mga swinging bilog na ewan na andun. Kung hindi, mangyayari sayo ang nangyari kay SirJun na hindi nakabalanse nang maayos nang malapit na siyang makaabot sa kabilang dulo kaya ayun, nahulog siya sa tubig. XD At oo, nasa ilog nakalagay lahat ng obstacle courses na tinutukoy ko. At nagkaroon ng isa pang hulog sa tubig si SirJun dahil may rope dun na kailangan mong magpaka-tarvan para makarating sa kabilang side kaya lang, di siya nakaabot. Haha, nakakatuwa siya panoorin mahulog. XD Nyay, sadista ko ba? hehe. *peace po tayo sirjun!*

Ang mga little kiddos naman ang sumunod dumaan sa mga obstacle course. Wala namang nahulog sa kanila. Nakakatuwa sila panoorin. Ang liliit eh. XD Tas may little girl dun na medyo maingay. Erm, madaldal at inglesyera? So anyway, dumating ang ibang mga kasama namin at sila naman ang naglaro sa mga obstacle course. Kaya bumalik na kami sa cottages dun para magpahinga kaunti. At dito naganap ang labanan sa chess sa pagitan ni Jet at SirMike na kung saan nilapastangan ni Jet ang aming chief instructor. (erm, term niya yun at hindi sakin.) XD

Ayun, nagsimula na kami sa arnis training pero hindi na nakisali mga kiddos. Mga tamad na ba. XD Pero sumali si David na isang new found friend ko! Madami akong natutunan pero sana hindi ko makalimutan yung mga yun. Nagtrek kami pataas papunta sa isang martial arts training camp at bumalik baba. At tumambay na lang kami dun. Nakakatuwa nga mga elderly na kasama namin dun. Nakakatuwa magkwento ng kung anu-ano. Mula sa mga bugbugan days nila noong araw nila, mga action movies, mga ginawa nila nung college days nila, mga scholar...at pokemon. @.@ Siguro 2 oras din sila nagkwkwentuhan. At mamaya lumipat sila ng lugar, kaya naiwan kami ni David dun at kami na lang nagkwentuhan. Haha. At mamaya sinubukan uli namin mga obstacle course. At naglaban kami sa basketball pagkatapos. Pareho kaming hindi marunong. T.T Haha, kalungkot naman. At nakauwi na rin ako mga bandang 4.30 ng hapon. :)

Nakakatuwa ang araw na yun... kahit na mag-isa ako nung umpisa.

2 Comments:

Blogger miharu said...

uuuuuuuuuuy david.

hilig ka pa naman sa aso ^o^v

corbin is a guy right? ano kaya itsura ng german shepherd at golden retriever na hybrid hmmmm

7:10 PM  
Blogger kcorbin said...

"uuuy" ka diyan. LOL wag mo nga ako idamay diyan. haha

yep lalaki baby ko. XD ewan, la kong balak malaman. XD haha

7:45 PM  

Post a Comment

<< Home