Nakakatuwa si corbin. Nung bago pa siya dito naturuan ko siya mag-sit saka tumalon...este dumamba pala ng tao. XD Pero hindi naman niya palaging nasusunod. Kulit na aso yun. Ang bilis niya lumaki talaga. Parang mas malaki pa siya kela lucky at jumbo noon eh. At 5 months na siya ngayon.
Grabe, tuwing pinapakain ko siya, lagi ko na lang naiisip kung tama lang ba yung dami ng pagkain niya o talagang likas na matakaw lang siya. Simot na simot kasi ang food bowl niya. Napipilitan nga akong itali siya kasi inaagawan niya si piwi, yung pusa namin, ng pagkain. Ang kaunti na nga ng pagkain ni piwi since ang liit lang niya. Tas uubusan pa ni corbin. XD Gluttony nga naman. haha. Natatakot tuloy ako na baka maging obese siya balang araw.
Paminsan lagi ko naiisip si lucky tuwing nakikita ko si corbin. Nakita ko kasi yung differences talaga nilang dalawa. Si lucky kasi tuwang-tuwa na kung kinakamot ko likod ng tenga niya. Kita mo talaga sa mukha niya na satisfied na siya na aso. XD Pero si corbin, ang hirap basahin ng mukha. XD Mas makulit si corbin. Pero mas pasaway si lucky. Magala kasi yang si lucky. Nakakaabot na sa likod ng bakod. Kahit na pagkatapos putulin isa niyang paa dahil malala na infection, akyat pa rin sa bakod. Haha, si corbin medyo spoiled na. Pagkatapos kasi madaanan ng tricycle, natakot na kong palabasin siya. Mas kampante kasi ako kung sila lucky at jumbo nakakawala kung ikukumpara kay corbin. XD Mga asong kalye kasi. haha
Anyway, mamimili pa kami ng school supplies. FINALLY. Kaya maliligo na ko. Mukhang gusto na kong patayin ng nanay ko sa titig niya kasi andito pa ko. hehehe!

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home