Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa katawan ko ngayon. Medyo groggy ako at isama pa dun ang mata kong gusto nang bumagsak! Nakakapagtaka kasi parang hindi ako natulog hanggang 10 ng umaga kanina. Eh ang haba na kaya nun kung ikukumpara sa ibang tulog ko. Nakakaidlip nga ako kanina habang nagbabasa ako ng libro ko para sa Comm3 dahil midterms na namin sa huwebes. Kaya isang malaking goodluck sa akin!
At teka lang. Tumutulo na sipon ko kaya kukuha lang ako ng tisyu.
Ayan. Ayos na ako uli para ituloy ang entry kong 'to.
Hindi kaya hints lang ang mga ito dahil magkakasakit ako? Sana naman hindi! Pero kung titingnan mo nga naman, nabasa ako ng ulan kahapon eh. Kaya ko naman iyon iwasan kung dumiretso na ako pauwi sa amin. Pero hindi. Ako'y bumili pa ng libro para sa CW10 ko. At kamusta naman kung gaano kalayo ang nilakad ko. Nasa magkabilang-dulo ata yung pinanggalingan ko at yung pinuntahan ko. At sa kalagitnaan ng aking masayang paglalakad, bumuhos ang langit. Habang ako'y naglalakad at sinusubukan wag mabasa ang aking backpack na bagong bili, patuloy lang ang ulan sa pagsugod sa pantalon ko. Walang patawad talaga si Ulan! Pati ang backpack ko nababasa! Pero, kasalanan na ng payong ko yun. Tumutulo ang bwiset na payong ko. Sana pala di na lang ako gumamit ng payong kung mababasa lang din ako.
Buti na lang at hindi na ako gumamit ng rubber shoes kahapon. Di tulad ng nangyari sa akin nung isang linggo. Biyernes din. Bumuhos ang langit. At ang suot kong pantalon at sapatos ay tuluyang nabasa. Hirap pa sumakay dahil laging puno. Edi ang solusyon? Maglakad hanggang sa lugar na alam kong kakaumpisa lang ng ruta ng jeep. At malayo din yun.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko isusulat ang paper na kailangan ko para sa Eng1 class ko. Dapat kasi tungkol iyon sa pinalabas na pelikulang "oro pronobis". Sa kasamaang palad, naubusan ako ng ticket pagdating ko sa Film Center. Kaya binigyan kami, ang mga kawawang nilalang, ni Sir ng alternatibong panoorin. At iyon ay ang "JUMONG" na isang korean drama na ipinalalabas sa gma7. Masaya ba? Hindi. Kasi hindi ko naman iyon nasubaybayan! At isa't kalahating ep lang ang napanood ko sa linggong ito. 0_0 Kaya eto ako, napabili bigla ng dvd copy nun. At hindi ko alam kung paano ko tatapusin iyon sapagkat sa Biyernes na namin ipapasa ang paper na yun.
Daming goodluck talaga sa akin, at sa iba pang nilalang na gagawa ng paper tungkol kay JUMONG: ang prinsipe ng alamat.
(wahahahahahahahahaha! sinalin ko lang yung pamagat na Jumong: prince of legend sa filipino)
XD
at yehey! may training uli kami bukas sa arnis! :)

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home