Sa totoo lang, nais kong magsulat ng entry ngayon. Sa kasamaang palad, ako'y tinamaan na ng kaantukan ngayon...este, kanina pa pala ako antok. At bukas, dahil wala akong gagawin, ako'y aakyat muli sa aking pinanggalingang eskwelahan! :)
Skl, natuluyan na ang aking dakilang jansport backpack na kulay green. Napigtas na kasi ang isang strap nito kaninang umaga lang. Tuloy, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ng aking kawawang likod. T,T Pero kung tutuusin, sulit na sulit ko naman ang bag kong iyon. Noong gr.6 ko pa ata ginagamit yun eh. At ngayong malapit na siyang mawalay sa akin, kailangan ko nang mamili ng panibagong bag na susulitin ko sa kabuuan ng aking pamamalagi sa UPD. Pero hangga't hindi pa dumarating ang weekend, pagtitiyagaan ko muna siya. At mananatili ang sakit sa likod ko. Feeling ko tuloy para na akong matanda. XD
Kalabuan ko ano? Sabi ko kanina, inaantok na ako pero eto ako patuloy pa rin sa pagsusulat.
Kay bilis ng panahon. Naka-isang buwan na ako sa UPD at ako'y natutuwa naman sa mga nangyayari sa akin. Bukod lang sa aking major subject sa semester na ito. At wag na lang natin siya pag-usapan diba? Para di na kumulo dugo ko dun.
And you know what? The campus is not really as big as it seemed to be a month ago. Kayang-kayang lakarin ang area ng AS/FC/CAL hanggang gym/vanguard eh. Ewan ko ba, mas pinipili ko na ngayon na maglakad kesa sumakay ng jeep. Hindi lang dahil na-obsess na ako sa kaka-workout, ah? Mas nakakapag-isip-isip lang kasi ako tungkol sa sari-saring bagay. Nakaka-relax. Lalo na't ang ganda ng environment sa campus. At saka, nakakatipid din ako ng 6.50 sa bawat lakad na ginagawa ko bilang pamalit sa pagsakay ng jeep! XD
***
Miss na kita...

citius, altius, fortius!

1 Comments:
sino ba ang miss mo? 0_o?
doood! are you excited for harry potter?! XDXDXDXD cuz i am!
Post a Comment
<< Home