8 random stuffs about me. XD
1. Mahilig ako mangolekta ng mga earthworms at ladybugs noong mga dalawa o tatlong gulang pa ako. At take note, hindi na ako mahilig sa pangongolekta ng mga ganyang klaseng nilalang ngayon ah. Eventually naman, naglaho rin ang hilig ko diyan. Wala naman akong mga boteng naka-display sa kwarto ko diba? :p
2. Sa mga hindi pa nakakaalam ng istorya ng buhay ko, ipinanganak ako sa States kaya ako’y isang Filipino-American citizen pero sa Pinas naman lumaki. At hanggang ngayon, hindi pa ako nakakabalik sa aking pinanggalingang bansa at wala akong balak bumalik para tuluyang tumira doon. Gusto ng magulang, ayaw ko naman. Hehe. Rebelde ba?
3. Madaming sari-saring extra-curricular activities ang sinalihan ko pero hindi ko naman tinapos noong bata ako. Nag-swimming lessons ako. Biruin niyo, sabi raw ng coach ko noon sa nanay ko na gusto niya akong tutukan para pang olympics na level. Pero dahil ayaw ko na, walang magagawa si coach. Nag-karate lessons din kami ni brother dear pero di ata kami tumagal ng 3 linggo doon. Nag-violin lessons din ako pero hanggang isang recital lang inabot ko at twinkle twinkle little star pa tinugtog namin. <*insert drum roll here*> at finally, nag-ballet lessons din ako pero hindi ko na alam kung hanggang saan ako umabot. Basta alam ko, hindi ako marunong magsplit at hanggang ngayon di ko maabot paa ko kapag nakatayo ako at nagbend ako.
4. Isa akong ignoranteng bata ngayon. Kapag hindi ko nabalitaan sa ibang tao, o di ko nabasa sa diyaryo, hopeless case na ako. Hindi ko man lang malalaman kung magugunaw na ang mundo. Hindi na ako nakakapanood ng tv e. Ang huling tv show na pinanood ko ay Jumong para lang magawa ko yung paper namin for Eng1. LOL.
5. Sa mga hindi nakakaalam, tumigil na ako sa paglalaro ng softball. <*silence*> Hindi ako miyembro ng kahit anong varsity team sa UP. At hindi ko pa alam kung magbabalak akong sumali sa susunod na sem o taon. Shocking ba? Hehe
6. At lapunti arnis de abanico na ang aking pinag-aaralan ngayon bilang pamalit sa softball. Kapag tinuloy-tuloy ko ito at umabot sa blackbelt, may sideline na ako bilang instructor kahit na hindi pa ako grumagradweyt ng kolehiyo! :) yehey!
7. Noong bata pa kami ng kapatid ko, parang laging may bagyong dumadaan sa bahay tuwing naglalaro o nag-aaway kami. Tatanggalin namin ang mga kutsyon ng sofa tas gagawa kami ng bahay-bahayan. Kung hindi, gagamitin namin yun tas magslislide kami pababa ng hagdanan. O kung hindi kami naglalaro, nagbabatuhan kami ng mga gamit, nagsusuntukan, nagkakagatan at sa bandang huli…mag-iiyakan. Hahaha!
8. Komplikado masyado ang buhay, lalo na sa <*toot*> na aspekto. Pero nonetheless, masaya ako ngayon kahit na ito’y napaka-komplikado. At bahala na kayo kung paano niyo i-interpret yun.

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home