ang utak ko'y blangko ngayon. halata namang nagsusulat lang ako para lang may mailagay dito. wala naman talagang tumatakbo ngayon sa isip ko...
aha! :D may bigla akong naalala na pwedeng pag-usapan...
***
Mayroon kaming final speech para sa aking comm3 class. Persuasive speech ito at tungkol sa arnis ang aking topic. Ito na kasi ang pinag-aabahalan ko ngayon na sa tingin ko naman ay magandang pag-usapan. At medyo naaadik na ako dito. :)
Sapagkat kahapon ang aming pasahan ng draft ng speech plan, kailangan kong humingi ng tulong para magawa ko yung plano. Mahirap kasi kapag kulang pa ang understanding mo sa isang bagay. At dahil baguhan pa lang ako sa arnis, di pa gaanong malawak ang aking kaalaman sa martial art na ito. Malayo pa ang lalakbayin ko upang mas lalong maunawaan ang arnis sa buhay ko.
Humingi ako ng tulong sa dalawang senior member sa aming grupo. Yung isa sa kanila ay yung chief instructor namin. At nag-offer siyang magkita kami kahapon upang pag-usapan ang aking speech. :) Naks, may interview pa akong nalalaman ano? Pero sobrang nakakatulong ito. Nakakatuwa nga eh. Kasi hindi ko akalaing may ganun na kwento na nakapalibot sa arnis de mano. Di ko alam kung bakit ako ganito pagdating sa arnis. Mukhang may pumalit na nga talaga sa pagmamahal ko sa softball. At mas lalo akong naganahang ipagpatuloy ang training ko dito. Kung maaari lang dagdagan ang training sessions sa bawat linggo eh, edi mas masaya! Hehe, pero sayang at tuwing linggo lang ito nagaganap...
Ayun. Umuwi ako sa amin at sinulat lahat ng napag-usapan namin ni guro. Umabot sa 3 yellow pad yung notes ko. Ang hirap ding tandaan lahat. Nakaka-enlighten pala mga ganung pag-uusap. Kaya laking pasasalamat ko sa guro ko at sa isa pang senior member ng grupo namin.
Haha, nakakatuwa nga eh. Nagulat kasi ako nang tinext ako ni senior member na nagsasabing may 3 libro siyang pwede niyang ipahiram sa kin. Ang babait talaga nila. Hehe, nakakatakot tuloy gamitin yung mga libro at may autograph pa yung iba dun. :p
***
Hindi lang tungkol sa arnis ang napag-usapan namin ni guro. Nakakatuwa nga eh kasi nalaman ko kung ano ang ibang trabaho niya aside sa pagiging instructor sa arnis. May business daw kasi sila na tungkol sa outdoor recreation at education. At may connections pa sa security.
Iba kasi trip ko. XD Gusto ko mamundok. Mahilig ako mag-adventure sa mga natural na setting. Nung bata pa talaga ako mahilig don. Iba yung saya nararamdam ko tuwing nakakaranas ako nito. Kaya lang, hindi naman kami madalas nakakalabas, kaya deprived din ako. At dahil may nagpakitang opportunity sa akin, naisip ko na pwedeng pwede ako magtrabaho sa ganung klase na trabaho pagkagradweyt ko. Tuloy. Sobrang naexcite ako sa possibility na pwedeng maging ganun work ko. :)
At dahil may connection si guro sa mga marurunong mamaril, sabi ko turuan ako. XD Haha, at isa pa yun sa mga gusto kong matutunan. Kaya next sem, kukuha ako ng rifle marksmanship sa PE.
Naaliw ako at bagay naman ito sa napili kong kurso. Kahit na siguro hindi ko na ipagpapatuloy ang paglalaro ko ng softball, may iba akong pwedeng marating. :) At siguradong mag-eenjoy pa ako. o diba?
Baka nga pwede akong mag-ojt sa company nila ngayong sembreak. :)
Yay!

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home