Habang tumatagal ang mga araw, mas lalo akong sumasaya sa pag-aaral ng arnis. At habang tumatagal ang mga araw, mas lalo kong nakikita ang simbolismong umiikot sa martial art na ito. Bago pa tayo sinakop ng mga Kastila, makikita na ang implementasyon ng arnis sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ngunit, hindi pa rattan o kamagong ang gamit nilang armas kundi mga itak, bolo at kung anu-ano pang armas na gawa sa metal.
Subalit, sinakop tayo ng mga Kastila. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi tayo makalaban sa kanila. Ginamit nila ang Kristiyanismo. Binura nila ang paggamit nating ng baybayin. Tinanggalan nila ng kapangyarihan ang mga kababaihan. At hindi nila tayo pinayagang humawak ng armas. Pinagbawalan nila, lalo na ang mga kalalakihan, na magkaroon ng patalim sa kanilang pamamahay. Pinilit ng mga Kastila na magsuot ang mga lalaki ng Barong Tagalog tuwing lumalabas sila. Bakit? Matalino rin ang Kastila. Hindi ba't transparent ang isang Barong Tagalog? Kaya yun see through upang makita ng mga Kastila kung may dala-dala bang armas ang isang Pilipino. Ayaw nila na magkaroon tayo ng pagkakataong makalaban sa kanilang pananakop sa atin.
Pero, mas matalino pa rin ang mga Pilipino. Kahit na sobraaang matagal na panahon ang lumipas bago tayo nagkaroon ng lakas ng loob na makipaglaban sa kanila, nanatili pa rin ang pag-aaral ng arnis sa atin. Iisipin niyo siguro na buong pusong hinayaan ng mga Pilipino na masakop tayo ng ibang bansa. Sa totoo lang, hindi. Lumaban tayo. Ang paglalaban ni Lapu-lapu kay Magellan ay isa lamang sa mga nangyaring pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Hindi naman buong Pilipinas ay nasakop nila. May iba kasing lugar dito sa bansa na mahirap puntahan at may ibang mga Pilipino na ayaw magpasakop sa mga Kastila. Ngunit para sa mga lugar na tuluyang nasakop at nakontrol, hindi nawala sa puso't isipan ng mga Pilipino ang kanilang mithiing makalaya. Hindi nawala sa kanila ang pag-asang makakawala rin sila balang araw sa mga mapang-abusong mananakop.
Kahit na pinagbawalan ang paggamit ng patalim, naghanap sila ng ibang alternatibo. Gumamit sila ng rattan, tubo, kawayan, kamagong at kung ano pang similar na kahoy. Ngunit, hindi sila lantarang kung mag-ensayo. Grupo-grupo sila. Kadalasan, isang angkan lang ang may alam ang estilo ng kanilang arnis. Bawat grupo, may sariling estilo. Hindi nila pinapaalam sa iba. Hindi nila tinuturo sa iba hangga't pinagkakatiwalaan nila ang mga ito. Yan din ang dahilan kung bakit madaming estilo ng arnis sa ngayon. At nakakatuwa pa dito, hindi sila nahuli ng mga Kastila. Ginamit nila ang mga sarsuwela, mga moro-moro, mga dula upang itago ang kanilang pag-eensayo. Ipinakita nila sa mga Kastila na simpleng sayaw lang ang arnis. At hindi naman nagduda ang mga nanakop. At sa totoo lang, natuwa pa sila sa pinaggagawa natin.
Kaya wag isipin na walang tayong kalaban-laban sa mga Kastila. Hindi ba't sumiklab ang rebolusyon sa pamumuno ng mga Katipunero? Anong ginamit nila bilang panlaban? Bumalik sila sa makalumang paraan ng pakikipagdigma. Binalik nila ang dating kultura ng mga Pilipino bago pa ito sinira ng mga Kastila. Gumamit na sila ng mga bolo at itak tulad ng makikita natin sa mga madalas na napipintang imahe ng mga Katipunero at ng KKK sa ngayon. Oo nga, hindi nila ginamit ang nakilalang arnis sa panahon nila, pero nailapat naman nila ang karunungang iyon upang makipaglaban nang maduguan.
At wag niyong isipin na porque walang pananakop ang nagaganap sa ating bansa ngayon, eh dapat pabayaan na natin ang pag-aaral ng arnis. Wag nating kalimutan ang naibigay sa bansa natin ng pag-aaral ng mga sinaunang Pilipino sa martial art na ito. Wag nating hayaan na tuluyang mawala ito sa ating puso't isipan. Pagkakataon natin na maipasa ito sa mga susunod pa na henerasyon. Pagkakataon natin ito na panatilihing buhay ang arnis sa ating kamalayan bilang mga Pilipino. Sabi nga nila, tangkilikin ang sarling atin.
At saka, Pilipino ka e, bakit ka mag-aaral ng hindi sayo? :)
***
Er, take note, I have nothing against those who practice other styles of martial arts ha. Peace po tayo!

citius, altius, fortius!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home