citius, altius, fortius!

ako si corbin!

isang nilalang mula sa isang all-girls school. at ngayo'y pumapasok na sa unibersidad ng pilipinas bilang isang CHK freshie. mahilig magbasa ng mga libro lalong-lalo na ang mga sinulat nina michael connelly, james patterson, lualhati bautista at nicholas sparks. nangungulila sa paglalaro ng softball. mahal na mahal ang pag-aaral ng arnis. mahilig tumunganga, mag-isip, magmuni-muni. at mahilig sa mga outdoor activities at mga hayop lalo na ang aking bebe.

taggity tag!



desiderata

Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.

Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.

Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.

Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.

Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be, and whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life keep peace with your soul.

With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
:)
[max ehrmann]


Tuesday, September 25, 2007

Sinong mag-aakala na ang simpleng paggamit ng payong ay magdudulot ng kawalan ng perang may halagang 315 pesos at pati na rin ang pagdalaw ng infirmary nang wala sa oras?

Oo. Isang payong lang ang may kakagawan ng lahat ng iyan. Isang payong na akala mo'y walang magagawang masama sa isang tao. Ngunit, ako'y nagkamali.

Nahiwa ang aking hinlalaki nang binuksan ko ang aking payong sapagkat umuulaan ng mga oras na iyon. Tinakpan ko kagad ito ng aking dalang tuwalya at patuloy sa pagkikita sa kaibigan ko. (Hello camilla! XD)

Nagulat siya. Siya pa yung nasasaktan para sa sugat ko. Punta raw ako ng infirmary. Baka matetano ako at medyo nangangalawang na ang aking payong.

Pero bago tumungong infirmary, nakipagkita kami sa isang kaibigan (Hi marielle! XD) sapagkat bibili siya ng apat na tickets para sa dancing in september. Sa totoo lang, kung hindi siya nagtext sa akin, tuluyan ko nang makakalimutan ang aming pagkikita.

Ayan. Sa wakas. Pwede na rin kaming dumiretsong infirmary. Sakay ng Jeep. Upo. Bayad. Upo. Para. Pasok ng infirmary.

Hala. 0_0 ano ba gagawin? Natakot pa akong baka sipain lang kami palabas kasi mukhang hindi naman emergency case ang aking hiwa sa hinlalaki. Maliit lang siya. Pero parang na-fillet.

Sa medical records daw kami pumunta. Sabi ko, excuse me po, knock, knock?

Sagot sakin ng matandang babae, Hija, hindi kumakatok sa bintana. Sa pintuna lang pwede.

Sorry naman. 0_0 Haha. Kaasar. Can't you see na ako'y nahiwa?? Hahaha. May kailangan raw i-fill-up na papel. Buti na lang talaga andun si Camilla at naging life saver ko. Siya nagsulat para sa akin. :)

Kuha ng numero. Pasok sa ER. Naghintay kami habang ang isang batang babae ay nagsisigaw sa dahilang hindi namin alam. Tapos na siya. Nilagyan ng dressing ang aking sugat. Balik daw ako kinabukasan para sa injection.

0_0 Hala. Injection raw?! Para sa anti-tetano. Tenks.

At okay na raw ako. Pero hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan. At puno lahat ng jeep papuntang Katipunan. Madilim na sa labas. At naghintay kami sa lobby ng infirmary para sa tatay ni Camilla. Pwede raw niya kami daanan. Yay! :) Pero ang tagal. At sa sobrang tagal, ginutom na kami. Kaya ayan. Napasugod kami sa SC para kumain na. Haha. At doon na kami naabutan ng tatay ni Camilla.

***

Maaga ako nagising kinabukasan (kanina lang yun). Punta ako ER at umupo. May isa pa kasing matandang lalaki na ginagamot kaya hintay lang ako. Nang natapos siya, skin test daw para macheck kung ako'y may allergic reaction sa gamot. Di lang ako tumingin habang pinapasok karayom, at paglingon ko, VIOLA! May pantal na kagad na binulugan!

Hintay. Text. Hintay. Text. Mga 30 mins akong ganyan. Pagkatapos, pinatingin ang aking pantal sa doktora kung allergic ako, hindi raw. Ayan. Pinaupo na ko. Kumuha ng bulak na may alcohol si nurse at pinahid na yung kanang braso. Ayan. Nakaposisyon na karayom, lingon ako sa kabilang direksyon. Pumasok ang karayom sa balat at tumuloy pa dun sa muscle. Parang may pumapatay dun sa loob ng braso ko. Kahit na sandali lang yun, parang napakatagal dumaan ng oras.

Haha. Exag ba? Siguro nga. Pero ganun eh.

Pinatong yung bulak sa...doon. Basta kung saan nila tinusok si injection. Hintay lang daw ako ng 20mins.

Tinanong ako ng nurse, may nararamdaman ka ba?

Natigilan ako. Ano ba dapat ang maramdaman ko sa oras na iyon?

Sabi ko, Err, tulad ng?

Sabi niya, pagkati o nahihirapan huminga.

Natigilan uli ako. Hinga. Err...Nakakahinga naman ako. Pagkati? Di naman ata.

Wala ata, sabi ko. At pinalayas na ko.

***

Hala. Late na ko para sa first class ko nung natapos na ako sa infirmary. Nagtanong ako sa mga tao kung ano jeep pwede sakyan para makarating sa CAL. Toki raw. (Hi Yo! XD) Pero... Di ako sure. Paranoid ako. Haha. Baka san ako mapadpad.

Para sure ako, nilakad ko na lang. Kahit na mas matagal, i think, lakad pa rin! Kahit na late na ko sa class, lakad pa rin! At kahit na nagsisimula na ang reporting ng group, sige lang, lakad pa rin!

Hahaha. Haggard ko tuloy pagdating sa klase. At wala akong kamalay-malay kung ano na nangyayari sa reporting. Pero sige lang, nakasingit pa rin ako ng masasabi. Haha

Napakanta pa ng isang linya ng jingle ng jollibee. O, dignidad ko, saan ka napunta? Hahahaha

Ayun lang.

***

Bow.

1 Comments:

Blogger yo! said...

Dignidad ba kamo?

Try mo:
Kanta ka sa harap ng klase, wala sa tono, at sa kalagitnaan ng pagkanta, sabihin mo sa propesor: sir, pwedeng tumigil?, sabay patak ng luha. Tas iyak. ;)

10:54 PM  

Post a Comment

<< Home