Oo na, bigla ako tinopak at gumagawa ako ng blog entry sa ganitong oras ng gabi. Ang labo ano? O wala lang, baka namimiss ko lang gumawa ng blog entry. Medyo matagal-tagal na rin kasi ang huli kong nagawang entry eh.
Pero wala naman akong maisulat na may kabuluhan naman. O, diba? Mas malabo ang maitatawag mo diyan. Gusto gumawa ng entry pero wala namang maisip na pwede isulat...
O sige, kwento ko na lang ang aking pakikipagsapalaran sa unang linggo ko bilang isang uprcy applicant. :)
Sa dahilang ako'y isang ignoranteng freshie tungkol sa mga bagay-bagay na umiikot sa isang org, tanong ako ng tanong sa isang mem thru text. Nakakatanga naman kasi talaga. Hindi ko naman kasi nagets ang kanilang instructions nung una. As in. Promise. Di ko gets ang mga kailangang gawin. Alam niyo naman ako, o ngayon niyo lang nalaman, na sobrang sigurista ako. Mas gugustuhin kong magtanong at magmukhang tanga sa kakatanong kesa hindi magtanong at doon magmukhang tanga. At mukhang...err, kumalat sa ibang mem ang aking kakulitan sa kakatanong. Kasi tuwing pinapakilala ko na ako si *insert pangalan ko dito* may iilan sa kanila na similar ang mga reaction. Parang ganito... "Ahhh... Ikaw pala yung si *pangalan*." Assumption ko lang naman na related iyon dun. Kasi wala na akong maisip na ibang bagay na pwede nilang pag-usapan tungkol sa akin. :p
Pero kung itatabi naman natin iyon, natutuwa naman ako sa mga pangyayari. Mababait ang mga mem. Hindi nga sila nangangagat. Medyo kinakarir ko naman ang pagtambay at may mga oras na sumasakit na pwet ko sa sobrang tagal ng pag-upo sa tambayan. Haha! Sana lang hindi ako mawalan ng gana. Sa umpisa siyempre, mas madalas na nananahimik ako. Nakikiramdam sa mga tao sa paligid ko. At nang naging komportable na ako sa kanila, at sila sa akin/amin, mas naging masaya ang aking pagtambay. Kahit na masakit sa pwet. :)) Hehe...
Bukas, training uli kami sa arnis. :) Kahit na ilang beses man sumakit kamay ko, kahit ilang beses ako matamaan o magkapasa dahil dito, hindi ko ititigil ang pag-aaral ng arnis.
****
Masarap ang pakiramdam kapag alam mo na ang mga ginagawa mo para sa iba ay may tinutunguhang maganda. At mas higit na masarap ang pakiramdam kapag alam mong binibigyan nila ng halaga ang mga ginagawa mo para sa kanila. Natutuwa ako at nakakatulong ako. Noong una, nagdadalawang-isip ako na baka mapasama lang kung tumulong ako. Pero hindi naman pala. Kahit papano, napabuti ko rin ang sitwasyon. Mas napaangat kahit konti lang. Inaamin ko, nagsisimula pa lang kami, pero alam kong mas malayo pa ang mararating namin. Huwag lang siya maging pasaway nang madalas, kakayanin naman eh. Haha.
****
Disyembre na pala. Kung hindi lang malamig ang panahon, hindi ko siguro iyon mapapansin. Malapit na ang pasko. At malapit na rin ang oblation run.
Wahahahahahahaha!
Kidding. Bangag na ako.
Mapapanuod ko kaya? O may klase ako?
Hmmm...
Abangan natin!
****
Noong huwebes, habang tumatambay kami, biglang lumapit sa amin ang iilang crew ng Yspeak. Nais daw nilang hingin ang pananaw namin sa nangyari sa Makati... Pero hindi ako pumayag. Yung isang mem at co-app ang mapapakita sa tv. Hehe...
Kidding aside, doon ko lang narealize na ayaw ko magsabi ng opinyon ko sa madaming tao. Lalo na kung mailalabas ito sa telebisyon at mapapanuod ng milyong Pilipino. Hangga't hindi hinihingi, hindi ko ibibigay pananaw ko. Mahirap din kasi lalo na't kung ang tumatanggap ng komento mo ay makitid ang pag-iisip. Mas mahirap yun. Lalo na sa panahon ngayon. Away lang aabutin niyo kung hindi kayo magkakasundo ng opinyon eh. Nakakatakot na rin. Baka matira ka pa dahil ang nasabi mo ay malaking threat o kung ano man.
Nyay. Masyado ba akong paranoid? Di naman siguro. Err. Diba? Cautious lang siguro ako.
****
So...napaka-random ko ngayon. Bangag na kasi. Sumasakit na rin ang ulo. Magigising pa bukas nang maaga. Magsisimba pa at pupunta ng training. :)

citius, altius, fortius!

1 Comments:
December na. Birthday ko. WTF. Wag ka na dumating berday!
Post a Comment
<< Home